Chapter 15: Courting

9.1K 192 3
                                    

Infinity

Nasa mall kami ngayon, kasama ko si ate Sam at L. Oy! Walang Hugo dito, kaya wag niyong hanapin. Okay? Psh. Hindi pa ko pinapansin nun ah. Pero mas mabuti na yun atleast hindi namin napag-uusapan yung tungkol sa sinabi niya.

"Tita Sam, I want to buy this toy." sabi ni L.

Napatingin saakin si ate Sam, pagkatapos ay inilipat niya ang tingin niya kay L at sa toy na hawak niya. "L, your mom is with us. Ask her, okay? Pag wala siya, pwede kitang i-spoil, pero andito ang mommy mo so sakanya ka hihingi ng permission." sabi ni ate Sam

Tumingala si L para makita ako saka nagtanong, "Mommy can I?"

"In one condition" sabi ko

"What is it?" excited na tanong niya

"Kung makakasali ka sa top 10, then sa'yo na yan. But, if not, idodonate natin yan. Agree?" tanong ko sakanya

Napasimangot naman siya. "Aw, why mom? But, we have money right? We can buy this." sabi niya saakin

"L, not because we can afford that eh bibili na tayo. Its a wrong attitude, okay? That one condition serves as your motivation in studying as young as you are right now. So, agree?"

"Okay mom, fine. I agree." sabi niya

Pagkatapos naming magbayad. Nagshopping si ate Sam, andami niyang binili pati nga panglalakeng damit eh bumili siya. Its either para kay Hugo or para sa boyfriend niya. Hindi na ako nagtanong, wala ata ako sa posisyon para magtanong.

"Infinity, can you hold this muna? Kasi bibili lang ako ng pizza and drinks, tapos diretso tayo sa bahay niyo." sabi ni ate Sam

"PO?"

"Yes we're going there. Aren't you happy?" tanong pa ni ate Sam.

Napangiti na lang ako tapos umorder na siya. Bakit kami pupunta doon? Wala naman kaming gagawin doon eh. Pero okay na rin yun, makikita ko sila Kuya. Namiss ko na din kasi ang kalokohan ng dalawa at kaseryosohan ni kuya Kurt.

Habang naglalakad na kami papunta sa parking lot, bigla kaming napatigil dahil nilapitan kami ni Hugo. Nakangiti siya. WOW! Bago to ah -_- Anong nakain ng isang to?

"Hi ate, hi baby." bati niya

AKALA KO AKO ANG SINABIHAN NG BABY! King ina naman! Si L pala, kinabahan ako doon ah! -_-

"Hi dad."

"Oh si Infinity hindi mo papansinin? Bastos ka talaga." sabi pa ni ate Sam

"Yun na nga, hihiramin ko muna si Infinity sainyo. May pupuntahan kasi kami eh." sabi ni Hugo.

Bakit parang energetic ngayon to? May pa-ate ate pa kay ate Sam. Eh Sam lang naman ata tawag niya kay ate Sam noon eh.

"Talaga? Tamang-tama, pupunta kasi kami ni L sa bahay nila Infinity eh. Sige dalhin mo na yan." sabi ni ate Sam

WHUT?!

"P--Pero ate? Akala ko ba ako ang bibisita sa mga kuya ko at sasamahan mo lang ako." sabi ko sakanya

Ngumiti siya, ngiting nakakaloko. "Infinity dear, may ibang pakay pa ako doon. Okay? So samahan mo na si Hugo para di mo malaman ang pakay ko. Tara na L." sabi ni ate Sam saka naglakad na.

Napatingin ako kay Hugo. "At ikaw? Ano? Bakit mo ko hihiramin? Kailan pa ako naging laruan?" inis na tanong ko sakanya

"Psh, highblood girlfriend."

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon