Chapter 30: Taking Place

5.7K 130 9
                                    

Aumi

Narito kami sa may garden nila Hugo. Tinawagan kami ni ate Samantha para pumunta dito, samahan daw namin si Hugo. Nung una, wala kaming kaalam-alam sa nangyari at kung bakit kami pinapunta ni ate Sam. Nang makaapak kami sa bahay nila ay ipinaliwanag niya saamin ang nangyari sakanila ni Infinity.

Nakakalungkot ngang isipin e, pero alam naman naming may rason si Infinity. Kaso wala nga lang nakakaalam kung ano iyon at bakit niya iyon ginawa.

"Bakit?" biglang tanong ni Hugo

Nanatili kaming tahimik. Walang may gustong sumagot eh. Nagkatinginan na lamang kaming apat.

"Bakit nagawa niya 'yun? Mahirap ba talaga akong mahalin? Lagi na lang akong naiiwan." dagdag pa niya sabay inom ulit ng alak.

"Mali ang iniisip mo. Kung may ginawa man si Infinity ngayon, siurado akong nagsisisi siya. Ayaw ka niyang iwan pero siguro no choice siya." sabi ni Steffie

"Inabot niya pa kay Precious ang necklace. Huh!" tumawa siya.. Tawang malungkot. Nasasaktan ako para sa pinsan ko.

Naulit nanaman 'to eh. Noon, kay Precious. Ngayon naman, kay Infinity.

"Ganon ba ako ka-sama sa paningin niya? Kaya ko namang magbago. Sana.. Sana sinabihan niya na lang ako." tumigil siya sandali saka kami tiningnan, ang lungkot ng mga mata niya, "Kasi ang hirap eh.. Mahirap yung hindi mo alam kung bakit ka niya biglang iniwan." muli ay ininom niya ang alak na hawak niya.

Sinubukan niyang tumayo pero bumagsak ult siya sa kinauupuan niya. Paano kasi, lasing na lasing eh.

Nilapitan siya ni Tyler at Ark, "H'wag niyo kong tulungan. I don't need your help." sabi niya saka tumayo ulit at sinubukang maglakad nang maayos hanggang sa makarating siya sa may pintuan nila papasok pero bigla na lamang siyang napaluhod.

"Naaawa ako sa pinsan ko ngayon." sabi ko kay Steffie habang nakatingin kay Hugo na tinutulungan nila Ark at Tyler na tumayo

"At kay Infinity? Ano?"

"Hindi ko alam kung magagalit ako sakanya eh"

Tinaasan niya ako ng kilay, ang taray naman ni Steffie, di naman ako nakikipag-away ah! "Mas naaawa ako kay Infinity."

"Huh? Bakit?"

"Kasi wala siyang choice kundi gawin ang bagay na hindi niya gusto"

"Ano?"

Naguguluhan talaga ako kay Steffie eh. Nag-usap ba sila ni Infinity? Ba't wala akong alam? Bina-back stab ba nila ako?

"It's obvious"

"Anong obvious?"

"Ang tanga mo naman eh! Ayoko nang magsalita." iritang sabi saakin ni Steffie

Napakamot na lamang ako ng batok. "Ang talino mo kasi. Di ko ma-take." sabi ko sakanya

Bumuntong hininga naman siya na parang karga niya ang problema ng buong mundo, "Sa tingin mo ba aalis si Infinity nang walang paalam? Sa tingin mo ba iiwan niya si Hugo nang ganun-ganun lang? Syempre, may nag-utos sakanya. At ang nag-utos ay si.."

"Tama! Si ate Samantha ang nag-utos kasi diba lagi silang nag-aaway ni Hugo. Baka tuturuan lang ni ate Sam ng leksyon si Hugo." tuwang-tuwang sabi ko dahil atlast naman oh! Na-gets ko na rin

Nasapok niya ang noo niya, "Paano ka ba nak-graduate, Aumi? Syempre hindi si ate Samantha ang may kagagawan. Si Precious!" sigaw niya saakin

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя