Chapter 32: Just leave

6.3K 143 19
                                    


Sky

Ang ganda ng view ko, tang*na talaga 'tong si Hugo. Tch! Nasa kanya naman pala ang necklace, tinapon ba naman kay Infinity! Isa ka talagang napakalaking gago, Hugo!


Naglakad ako palapit kay Infinity nang umalis yung kumag na 'yun.


"You okay?"


Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatayo habang humahagulgol, hawak-hawak niya ang necklace.

Hinila ko siya nang marahan, umiiyak pa rin siya habang naglalakad kami. Hanggang sa nakarating na kami sa coffee shop na malapit dito. Inorderan ko na siya dahil parang wala siyang balak magsalita.

Dumating na ang inorder ko.


"Drink." sabi ko sakanya


"Okay lang ako" sagot niya habang nakatingin sa kawalan


O_O


"Shit! Coffee yan!" sigaw ko kay Infinity.


Nataranta ako, dali-dali kong kinuha sakanya ang baso dahil dire-diretso niyang ininom ang coffee na mainit pa dahil kaka-serve lang saamin non.


"ANG INIT!" sigaw niya.


Pinapaypayan niya ang dila niya gamit ang kamay niya. Napaso yata ang dila niya.


"Sabi mo okay ka lang."


"Okay lang talaga ako."


"Bakit mo ginawa yun?"


"Ang alin?"


"Ang gusto ni Precious. Bakit sinunod mo ang gusto niya?"


Napayuko naman siya, "Para kay L, para mabuo ang pamilyang hinahangad niya."


"Tinanong mo ba ang bata? Inalam mo ba kung ano ang gusto niya? Ni minsan ba sinabi niya sayong ayaw niya sayo?"


Umiling siya bilang sagot.


"Yung necklace" napatingin siya sa kamay niya pagkasabi ko ng necklace, "Kanino galing 'yan? Pano napunta sayo? Hindi ba't hinahanap mo yan nung nasa resort pa tayo?"


Tumango siya, "Galing kay Hugo. Sabi niya saakin may inutusan daw akong isauli sakanya ang necklace na binigay niya saakin, hindi raw totoo ang nararamdaman ko para sakanya at manggagamit ako." sabi niya saakin


Natawa naman ako sa sinabi niya.


Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now