Chapter 12: Choose

9.2K 220 4
                                    

Infinity

 

 

Second day of practice. Wala nang mas nakakapagod pa sa araw na 'to. Halos manghina ang mga tuhod ko sa ballroom dance na ito, anong klaseng choreo ba ito? Andaming buhat na nalalaman. Kahit hindi naman ako ang bumubuhat sa sarili ko, ako pa rin ang pagod na pagod. Nakakapagod kayang isipin kung mahuhulog ka o pano ang bagsak mo pagkatapos. Psh.

 

"Mabuti naman at wala yung kasama mo. Sino nga ba 'yun? Si Ugo?" masayang sabi ni Sky.

Napailing naman ako. Psh, nang-asar pa sa taong wala naman dito. "Ugo ka diyan, Hugo ang pangalan nun."

 

 

"Okay okay, chill. Ano? Lunch out tayo?" yaya niya. "Hwag ka namang tumanggi this time. Kahapon hindi mo tinanggap, nagwalk out kapa. Ngayon wala na 'yung Ugo na 'yun. So tara na?"

 

 

"O si—"

 

 

"Infinity, lunch time na. Kakain na tayo." biglang sabat ni Hugo.

Paanong andito 'to?

"Hugo, ano kase.. Mauna na kayo nila Aumi, sakanila ka na lang makisabay. Nauna kasing magyaya saakin si Sky eh." paliwanag ko.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Hugo. "Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, inuutusan kita."

"Pare 'wag ka namang bastos, sinabi na nga ni Infinity diba? Nauna akong magyaya." sabi naman ni Sky.

Magsisimula nanaman ba sila?

"Oo narinig ko. Nauna kang magyaya pero ako ang naunang mag-utos sakanya. Ang pagyaya mo, hindi niya pa tinanggap. Ang utos ko, susundin niya." sabi naman ni Hugo.

WOW! -_- Ano bang tingin saakin ni Hugo? Utusan? Aso? Maid? Tch.

"Oh talaga? Kung ganon, edi papiliin muna natin si Infinity." maangas na sabi ni Sky.

"Sige, mamili ka na." sabi naman ni Hugo saakin

 

Aumi

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now