Chapter 14: Her plans

8.2K 200 13
                                    

Infinity

Naglalakad kami sa hallway kasama ang barkada. Mabuti na lang at Friday ngayon. Habang naglalakad kami, tumigil kami dahil tumigil si Sky sa harap namin nang nakangiti. Nakakapagtaka lang kasi wala naman siyang kasama tapos nakangiti -_- Aso talaga!

"Oh Sky? Napatigil ka, si Infinity ba?" mapang-asar na tanong ni Ark sakanya

Tumango naman siya. "Hi Infinity, gusto mo bang lumabas? Maganda ang panahon ngayon, sunny day. Libre kita." masayang sabi ni Sky

"Ah osige, tutal pauwi naman na eh. Sige una na--" napatigil ako sa pagsasalita dahil sumabat ang isang Hugo -_-

"No hindi siya sasama sayo. Bastos ka ba? Andito ang boyfriend!" maangas na sabi nito.

Nanlaki naman ang mga mata ko. AKO? May boyfriend? Worst, andito daw. Eh hindi naman ako na-informed tungkol doon?!?! Multo ba ang boyfriend ko?

Napatingin naman kaming lahat kay Hugo sa sinabi niya. "May boyfriend na si Infinity?" di makapaniwalang tanong ni Sky.

NAKAKAINSULTO NAMAN YUNG GANUN, DIBA? Yung tipong hindi siya naniniwala na may boyfriend ako. Bastos talaga! -_- Sige na hindi na ako maganda, pero hindi naman ata imposible kaya dapat naniniwala siya.

"Tss. Oo, bakit aangal ka? Ang nagsasalita ngayon sa harap mo ang boyfriend niya." kalmadong sabi niya kay Sky

Halos malaglag ang mga mata namin nang dahil sa sinabi ni Hugo. Hindi nga kapani-paniwala iyon.

"What? You mean, ikaw ang boyfriend ni Infinity?" parang aatakihin si Sky sa tinanong niya.

Tumango naman si Hugo bilang sagot.

"Talaga? Teka, ang pagkakaalam ko hindi ka naman ata type ni Infinity pero kayo na? Niloloko mo ba ako?" tatawa-tawang sabi ni Sky

"Ayaw mong maniwala?" biglang hinawakan ni Hugo ang wrist ko. "Bakit kaya ko 'tong gawin?" tanong niya

"Psh, eh kaya ko din naman yang gawin eh. Hindi pa din ako naniniwala" sagot naman ni Sky.

Tahimik lang kaming lima habang nakikinig sa sagutan ng dalawa.

"Tanga! Hindi ang paghawak ng wrist niya. Eto oh..." bigla akong hinila ni Hugo at hinalikan--

Nanlaki ang mga mata ko. Dahil hindi lang sa cheeks ko, sa lips ko. WTH! Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Hugo. Bastos!

Humiwalay na siya saakin at saka ngumiti kay Sky. "Kita mo yun? Eh yun ba nagawa mo?" mayabang na tanong niya

"Hahahaha. Fine, napaniwala mo na ako. Psh! Next time na lang Infinity, pag nagbreak na kayo" sabay kindat saakin ni Sky

"Gago! Wala nang next time." sagot naman ni Hugo sakanya, pero binale wala lang ito ni Sky saka nagpatuloy na maglakad.

Naiwan naman kaming anim dito sa hallway.

"WOW!" sabi ni Aumi

"Kayo na ba talaga?" nagtatakang tanong ni Steffie.

"Pare, ang galing nung ginawa mo. Ninja moves!" asar ni Ark

"Hindi lang yun ninja moves, para-paraan pa." dagdag pa ni Tyler.

"Hugo..." panimula ko.

"Tch, what? Kinilig ka ba?" tanong niya pa saakin.

"Hugo, bakit sinabi mo kay Sky na tayo? Bakit mo ginawa yun? Bakit mo ko biglang hinalikan? Hindi ko nagustuhan yung ginawa mo. Hindi kita maintindihan, ano bang gusto mong ipalabas? Hindi sa feeler ako, pero sana kung may gusto ka saakin, wag mong idaan sa pagpapanggap na tayo, yung tipong makukuha mo agad ako. Kasi ganito lang ako, pero gusto ko naman yung nag-eeffort na magconfess, hindi man in a sweet way, pero sa matinong usapan. Kung wala ka namang gusto saakin, then, wag kang manghimasok sa buhay ko." seryosong sabi ko.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now