Chapter 29: Gone

6K 132 18
                                    


Infinity

Abala ang lahat sa pag-ayos ng gamit nila dahil uuwi na rin kami. Tapos na akong mag-ayos ng gamit ko, binilisan ko talaga eh. Ang dahilan ko? Kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa nahahanap ang necklace na binigay ni Hugo saakin. Sigurado tlaga akong hindi ko iyon tinanggal sa leeg ko at hindi naman yun natatanggal ng basta-basta lang. Magagalit talaga si Hugo saakin eh. Kapag natanggal yun sa leeg ko ibig sabihin wala na akong feelings para kay Hugo, pero wala namang nagbago sa nararamdaman ko sakanya eh, na-misplaced lang tlaga ang necklace.

Narito nanaman ako sa may pool. Malamang baka napasok na sa mga butas butas ng pool kapag nililinisan ang pool. Haaaaay!

"Andito ka nanaman. Hindi mo na yun mahahanap."

Napaangat ako ng ulo at saka tiningnan ang nagsalita. Si Sky pala.

"Oh? Andito ka? Tapos ka nang mag-ayos ng gamit?" tanong ko sakanya

Tinanguan niya ako saka naupo sa tapat ko. "Sinubukan ko ring hanapin ang necklace mo, pero di ko nakita eh" sabi niya saakin

"Thank you." sabi ko nalang.

Hindi kaya, siya ang kumuha? Baka naman siya eh kasi diba nga medyo may conflict sila ni Hugo. Napakamot ako ng ulo ko dahil pinag-iisipan ko kung itatanong ko pa ba sakanya ang gsto kong itanong o huwag na lang dahil baka maoffend siya.

"Bakit?" tanong ni Sky.

"Kasi ano--"

"Kasi ano?" halos mailuwa ko ang mga mata ko, buti na lang at di ko pa naituloy ang gusto kong itanong kay Sky. Biglang sumulpot si Hugo eh. Para tong kabute!

"H--Hugo, t--tara?" tanong ko

"Anong sasabihin mo kay Sky? Ituloy mo na." sabi niya saakin

Umiling ako. "Wala yun. Kasi ano eh, mainit. Tirik na tirik ang araw buti na lang at pauwi na tayo." sabi ko saka hinila si Hugo palayo kay Sky at baka magka-asaran pa ang dalawa.

Nasa van na kami ngayon, mga tatlo hanggang apat na oras ang byahe dipende sa traffic. Nakatulog na silang lahat, si Hugo nakasandal pa ang ulo saakin. Dapat nga ulo ko ang nakasandal sakanya diba? Eh kaso hindi naman ako makaulog nang maayos kakaisip sa necklace eh.

Naiwala ko ba talaga yun?

Natanggal? Paano naman? Di naman ako masyadong malikot e.

Nabugto? Hindi naman yun masyadong manipis eh.

Ano kaya kung magpapagawa nalang din ako ng ganon? Pero sabi niya customized yun eh, hindi ko alam kung makakagawa sila ng eksaktong kopya.

Pagkatapos ng tatlo at kalahting oras ay narito na kami sa bahay. Nakauwi na rin ang lahat. Dinala na ng mga katulong ang gamit namin ni Hugo sa kwarto namin. Agad kong pinuntahan si L sa may entertainment room.

"BABY!" sigaw ko upang makuha ang atensyon niya.

Napalingon naman siya saakin, napakalapad ng ngiti ng anak ko. "MOMMY!!!!!" sigaw niya saka tumakbo palapit saakin at niyakap ko naman siya nang mahighpit na mahigpit dahil namiss ko talaga siya.. sobra.

"I missed you so much mommy." sabi niya saakin

"Me too, baby. Namiss ko talaga ang makulit at matalinong na si L." sabi ko sakanya

Habang nag-uusap kami ni L ay biglang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko at binasa ang text message.

From: 0909090+++

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now