Chapter 38: Fixed

8.5K 186 39
                                    

Infinity

Mag-iisang linggo na rin, wala pa ring progress.. Ang ibig kong sabihin ay kami ni Hugo. Hindi pa niya ako nilalapitan eh. Saka parang wala naman siyang balak. Kaya napagdesisyunan ko nang ako na lang ang gagawa ng first move. Ang gusto ko lang naman ay pag-usapan ang dapat pag-usapan nang matapos na. Kung walang na talagang babalikan pa edi wala na nga.

Nakabihis na ako. Plain white spaghetti dress lang ang suot ko, tinatamad na kasi akong magmatch ng top and bottom ko, kaya dress na lang, pagkatapos ay nagdoll shoes lang ako.

1:00 PM na rin. Tapos na rin maglunch 'yun, kaya napagdesisyunan ko nang lumabas na ng bahay.

Pagbukas ko ng gate--

O___O

Anong ginagawa ng mga ito dito?

Nakangiti silang lahat saaakin, anong? anong meron?

"Bakit?"

"Ah saan ka pupunta?" tanong saakin ni Aumi

Sasabihin ko ba sakanila?

"Huh? Ah sa ano eh.." bilisan mong mag-isip ng lugar INFINITY!!! "Ah! Kakain ako, sa may bagong Italian Restaurant. Gusto ko lang matry eh." sabi ko sakanila

"Talaga? Doon din kami papunta eh." sabi naman ni Ark.

O_O

"Huh? Ah ganon" KAINIS naman! Doon talaga sila? "Doon din kayo? Ah sige sa iba na lang ako"

"Iniiwasan mo ba kami?" tanong naman ni Steffie.

Umiling ako nang mabilis, "Hindi. Hindi ah. Ka--kasi ano eh, ang totoo niyan pupuntahan ko sana si Hugo ngayon sa bahay." napaamin na talaga ako.

"Bakit naman?" tanong ni Tyler

ANDAMI NILANG TANONG! Huhu baka isipin nilang sumama na lang din saakin. -_-

"Sasabihin ko sainyo ang totoo, pero wag niyo na akong samahan ah?" tumango silang lahat, "Pupunta ako doon para mai-clear ang mga bagay-bagay. Saka magsosorry na rin ako." sabi ko sakanila

"ANO?" sabay-sabay na sabi nila

Cross fingers.

"Yan ang hinding hindi mo gagawin." sabi saakin ni Steffie.

"Wala ka namang kasalanan, Infinity." sabi pa ni Precious.

Natawa naman ako, "May kasalanan o wala, hindi naman importante kung sino ang may kasalanan. Mas importante yung may maunang gumalaw bago mahuli ang lahat." sabi ko pa.

Napatingin kaming lahat kay Sky, nakapamulsa siya, ang cool niya tingnan, "Kaya lumalaki ang ulo nun eh. Iniispoil mo pala." sabi niya

"Uh.." naiispeechless ako, ano bang dapat kong sabihin?

"Hintayin nating mauna siya. Dito ka lang, wag kang aalis ng bahay. Saka may nahanap na kaming magiging Kim Tan Yeong mo." sabi ni Aumi

Kim-- Tan? Yeong?! "Kim Tan Yeong? Ano? Wala akong maintindihan."

Napakamot si Aumi ng ulo, "Ah oo nga pala, si L kasi eh. Sinabi niya kay Hugo na may nanliligaw sayong isang Kim Tan Yeong. Tinanong pa saamin ni Hugo kung kilala namin, kaya naghanap na lang kami ng pwedeng magpanggap." sabi ni Aumi

Umiling ako, "Hindi. Alam ko na ang susunod na ipapagawa niyo saakin. Iseset-up niyo ako sa nahanap niyong Kim Tan Yeong na 'yan, tapos pagseselosin namin si Hugo." nakangiting sabi ko.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now