Chapter 19: She

7.5K 155 2
                                    

Infinity

Nasa University kami ngayon, syempre, same old days lang. May klase, boring, nakakapagod, at nakakastress. Minsan nga ang sarap magcut class eh, pero di ko magawa kasi naman nakakahiya kay ate Sam. Siya ang nagpa-aral saakin dito eh, ayaw ko namang ipahiya ang sarili ko sa kanya.

Tungkol nga pala kay Precious, di pa rin ako mapakali. Hindi na sya nagparamdam pagkatapos nung nagpakita siya saamin, bigla nanaman siyang nawala na parang bula. Mas lalo akong napapraning eh. Sinusubukan ko munang di siya isipin lagi dahil nakakapagod ding isipin siya, eh di naman ako sigurado kung si Precious nga talaga iyon. But I have this feeling na siya iyon.

"Tulaley ka nanaman eh. Sino iniisip mo? Prince charming mo? May klase pa." sabi ni Aumi

Napatingin ako sakanya. "Psh, hindi noh" sabi ko sakanya

"Aha! Alam ko na, si Precious ang iniisip mo. Nababasa kita." sabi niya sakin

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat, paano naman niya nalaman iyon? Masyado bang halata? "Hindi rin." pagtanggi ko na may kasama pang iling.

Kinagat niya ang burger na kinakain niya saka nagsalita, "Hindi mo nga siya iniisip. Sabi mo kasi, "Eh di naman ako sigurado kung si Precious nga talaga iyon", Wala akong narinig. Promise!" tatawa-tawang sabi ni Aumi

Bumuntong hininga naman si Steffie na nagbabasa ng magazine. "Aumi, stop that. Kung may iniisip man si Infinity, its her business not ours. Privacy, okay? Sasabihin naman niya saatin kung di niya na kayang itago lang ang problema niya sa sarili niya." sabi ni Steffie nang di nakatingin saamin

Claps claps claps. Minsan bilib talaga ako kay Steffie eh, napakatalino. Ginagamit niya talaga ang utak niya.

Umirap naman si Aumi. "Tse! Steffie naman eh, alam mo kahit lagi kang kontra sa mga sinasabi ko, agree pa rin ako sa sinabi mo. Hays!" sabi ni Aumi.

Natawa kami ni Steffie sa sinabi niya. Totoo naman kasi eh. Laging may punto si Steffie. "Ginagamit ko lang ang talent ko." sabi ni Steffie

"Ang pagiging mayabang ba o ang paggamit ng utak?" asar ni Aumi kay Steffie.

"Both" nakangiting sabi ni Steffie.

Minsan di ko sila naiintindihan eh. Sarcastic ba silang dalawa o ganoon lang talaga silang mag-usap.

Tumayo na ang dalawa dahil may klase pa sila. "See you later alligator." sabi ni Aumi sa akin. Si Steffie naman nginitian lang ako.

Naiintindihan ko naman si Steffie eh, minsan talaga nagtitipid siya sa mga salitang binibitawan niya baka kasi maubusan siya. ^_^

And so, naiwan nanaman ako dito sa canteen. Wala na kasi akong pasok, kasi dire-diretso ang klase ko kanina hanggang 2 pm. So hinihintay ko na lang talaga ang mga kaibigan ko.

Nakita kong naglalakad si Hugo papunta sa kung saan ako nakaupo. He waved at me, nginitian ko lang siya. Until now, medyo nahihiya pa rin ako kay Hugo. Mahal ko siya, oo, pero there's this fear pa rin na ma-fall ako sa kanya ng sobra. Dahil alam kong darating at darating ang araw na--

"Tapos ka na bang titigan ako?" nakangiting sabi niya.

Di ko namalayan na nakatitig na lang pala ako sakanya at nakaupo na siya, katapat ko siya. Wow! Masyado nang lumilipad ang isip ko sa kung saang lupalop. Masyado na akong nag-o-overthink. Konti nalang mababaliw na talaga ako.

"So-sorry. May iniisip lang" sabi ko sakanya

Tumango siya. "I know." saka tumango-tango. "Its about Precious for sure." sabi niya

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now