Chapter 25: Necklace

6.8K 152 8
                                    


Infinity

"Malapit na ang ceremony niyo at hindi ko na makikita ang mga pagmumukha niyo." sabi ni Mrs. Kong, isa sa mga terror teachers dito, history ang tinuturo niya. BORING!

"Yesss"

"Yehey"

"Salamat naman!"

Sigawan ng mga kaklase ko. Napatingin ako sa direksyon ni Sky, lumipat ng upuan si Precious magkatabi na sila ni Sky. Wala namang reaksyon si Sky habang tuwang-tuwa si Precious na parang may sinasabi sakanya. Nagbago yata si Sky?

"Sky." nagulat naman ako sa bumulong saakin kaya napatingin ako kay Hugo na siyan bumulong.

"Ano?"

"Iniisip mo si Sky." sabi niya saakin habang nakatingin lang sa harap, nakatingin pa rin ako sakanya.

Umiling ako. "Mind reader." sabi ko

"No, you're just too obvious" sabi niya naman saakin. "H'wag mo na siyang isipin, matutuyo utak mo sakanya. Ako nalang isipin mo, di ka lang tatalino, mabubusog kapa." dagdag pa niya

"Ano? Ang labo mo. Hugo, gagraduate na tayo. Anong balak mong gawin?" tanong ko sknya

"Magpapakasal na tayo pagkatapos."

Hinampas ko siya. "Ha ha. Funny. Maayos nga kasi, ano nang gagawin mo?"

He just shrugged. "Tutulungan si Daddy sa company namin. Ikaw?" tanong niya saakin

Napa-isip naman ako nun. Tama, wala akong naiisip na gagawin ko sa hinaharap. Baka maghahanap ako ng trabaho? Gusto ko talaga magkaroon ng sarili kong restaurant eh, Korean cuisine.

"H'wag ka nang mag isip. Sa bahay ka lang, para di ka makahanap ng iba, hintayin mo ko lagi sa bahay. Okay?"

Ginulo ko buhok niya. "Baliw. Gusto mong mabulok ako?" tanong ko sakanya.

Ngumiti siya. Minsan lang siya ngumiti, natutunaw tuloy ako. "Okay lang mabulok ka, basta hindi mo ko iiwan." sabi niya

"Aish. Malala ka na. May plano rin naman ako noh." sabi ko sakanya "Gusto kong magkaroon ng K-restaurant." dagdag ko pa.

"I'll help you--"

"Thanks but no, gusto kong magsimula sa maliit eh, kasi malalaman mo ang halaga niya pag pinaghirapan mong makuha siya." sabi ko sakanya.

Tumango siya at ginulo ang buhok ko. =_= Hirap kayang ayusin ang buhok ko.

Precious

"Sky andun sila oh, tara sabay tayo sakanila." nakangiting yaya ko sakanya habang hawak ko ang tray ko na may pagkain, ganun din si Sky.

Tumingin siya sa direksyon na tinitingnan ko. "Ayokong ipilit ang sarili ko sa mga taong hindi ako gusto." sabi niya saakin

Sa sinabi niya, may naalala ako. Nung Saturday.. "Tumigil kana, hindi ka sasaya. Habang pinipilit mo ang sarili mo, may masisira ka at ikaw mismo hindi sasaya sa magiging resulta ng mga gagawin mo."

Di ko namalayang iniwan na pala ako ni Sky at umupo sa pandalawahang upuan, mag-isa lang siya habang naka-earphones. Tumingin ako sa direksyon nila Hugo at mga kaibigan niya, masaya silang nag-uusap. Tumingin din ako kay Sky.

Inilapag ko ang tray ko sa table ni Sky, at umupo. Magkatapat kami, hindi siya nakatingin saakin kahit magkatapat lang kami. Naririnig ko ang beat galing sa earphones ni Sky. Galit ba siya saakin? Parang ayaw niya akong kausap? Psh, Di na ako nasanay, lagi naman siyang ganito eh parang alien.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now