Chapter 36: Almost

7.7K 166 18
                                    

Hugo

Nilapitan ko ang notebook upang sarhan ito. Pero--

Ano to?

Hugo,

Marami akong kasalanan sayo. Sorry ha? Wala kang ibang ginawa kundi ang ipaalala saakin na mahal mo ako at hindi na si Precious. Naiwala ko ang necklace na binigay mo saakin, sinubukan kong hanapin pero di ko nahanap. Sorry ulit. Pero hindi ibig sabihin nun ay nawala o nagbago na ang feelings ko para sayo. At etong gagawin ko ngayon, hindi ko alam kung patatawarin mo ako. Thank you for everything.

-Infinity

"Naiwala ko ang necklace na binigay mo saakin?"

What?

From: Precious

Hugo, we need to talk. 11 at the coffee shop.

....

Napasandal ako sa upuan ko. "Just spill it." seryosong sabi ko sakanya

"Nang makauwi tayo galing sa private resort niyo, may ibinigay siya saakin. Nagulat ako, kasi isang necklace ang inabot niya saakin. Sabi niya, isauli ko raw sayo ngayon, dahil na-realise niyang hindi totoo ang nararamdaman niya para sayo. Sinabi niya ring, gusto niyang maging masaya tayong tatlo ni L at hindi raw mangyayari yun kung mananatili siya sa tabi niyo."

Fvkc? Gumawa si Precious ng kwento? Siya ang kumuha ng necklace ni Infinity? Pero sabi niya sinauli ni Infinity, inutusan siya ni Infinity.. Pero ang nakasulat dito-- Sulat kamay 'to ni Infinity.

Ugh? Naloko ako ni Precious? Aish! That crazy girl. Haaaaa! She's such a pain.

Kailangan ko siyang kausapin.

"Hugo"

Napalingon ako sa tumawag saaakin.

"You're here. Where's L? Nakangiti ka? How could you just smile like that? Saan ka galing? Si Sky? And this.. Yung necklace." Ugh! Hindi ko na alam kung ano pa ang tatanungin ko!!!

Precious

"Aish. Daming tanong eh. Pwede ba humingi na lang ako ng tawad sayo? Para matapos na 'to." sabi ko sakanya

I am trying to be cool. Alam na alam kong sisigawan ako nito. Psh! 'Yan pa ba? Init ng dugo niyan saakin eh. ^_^ Gosh! I'm dead :(

Nanatili siyang nakatingin saakin. Ibang tingin, yung tipong gusto akong sunugin ng buhay. Alam ko namang eto ang magiging outcome talaga pag sinabi ko na lahat sakanya. Haaaaaays!

"Bakit? Hindi? Hindi pwede?" tanong ko, sinusubukan kong magpacute para kumagat, baka maawa sa itsura ko kahit papano.

"Sit." mahinanong sabi niya, kaya naupo ako.

Mabuti na lang at kalmado siya ngay---

"EXPLAIN!"

Sht. Halos mahulog ako sa inuupuan ko nang sumigaw siya bigla. Bull. O MY GEE! Ang sakit sa puso, baka magkaka-heart attack ako nito, hindi ko alam na ganun siya kalakas sumigaw.

Napahawak ako sa dibdib ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"AISH! NAPAKA MO TALAGA!" sigaw ko rin, pero wala yun sa sigaw niya kanina. Sheez!

Bago ako magpaliwanag kay Hugo, kumuha muna ako ng tubig na maiinom. Naupo ulit ako, magkatapat kami ngayon.

--

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon