Chapter 13: Confused

8.6K 203 8
                                    

Infinity

3 AM na. Hindi pa rin ako natutulog. Kung bakit? Si Hugo naman kasi eh, ang taas taas ng lagnat, sasabog na ata 'to sa sobrang init eh. Pinatay ko na ang aircon, nanginginig pa din. Kinumutan ko nga siya ng tatlong makakapal na kumot eh. Pinainom ko na rin ng gamot, nagalit pa nga saakin, natapon pa ang gamot. Alam niyo yung salitang "sayang"? Oh well, mabuti naman at alam niyo, dahil si Hugo, hindi niya alam yan. =_=

Mataas ang lagnat, masakit ang ulo, may sipon na sinamahan pa ng ubo, masakit ang katawan.

Nako! Mabuti naman at buhay pa 'to. Tch, sa bagay, matagal mamatay ang masasamang damo, ika nga nila. I wonder, ano ba ang ginawa ni Hugo? Bakit nagbabad sa ulan?

Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal sa kama sa tabi ni Hugo. Tulog na tulog ang tukmol. Mabuti pa siya natutulog, hindi man mahimbing pero atleast natutulog. Eh ako? Psh, hindi ata talaga ako makakatulog neto dahil minsan biglang magsasalita ng mag-isa si Hugo.

"I--Infinity.. Pa--patayin mo nga ang ulan..." mapaos na sabi ni Hugo habang nakapikit pa din

Napailing na lang ako. "Psh, wala ka nga sa sarili mo. Kung ikaw kaya ang patayin ko, ano? Patayin ang ulan ka diyan, sino ba kasing nagsabi sa'yo na magbabad ka sa ulan, huh? Yan, yan ang napapala mo." sabi ko sakanya.

"A--ang... ang lamig." matamlay na sabi niya. "Kailangan ko ng kayakap." dagdag pa niya.

HAHAHAHAHAHAHA! Mamamatay na ba ang isang 'to? Psh. Kayakap daw oh. Sinong may gusto? Wala! Tch.

"Kayakap? Osige tatawagin ko lang si Yaya Belen, wag kang gagalaw diyan." sabi ko sakanya

"N--no! No. Ayoko sa katulong-- i--ikaw na lang."

"ANO?!" halos mahimatay ako sa sinabi niya. JOKE! Himatay talaga? OA ko naman 'pag ganun nga, nagulat lang naman ako.

"...S--sige nanaman oh.." hinahabol niya ang hininga niya habang sinabi niya 'yon.

Napailing naman ako at napakamot ng ulo. Baliw talaga si Hugo. May sakit na nga, ngayon pang mag-iinarte. Ayaw magpayakap sa katulong?

"Eh bakit hindi na lang sa katulong?"

"H... Hindi ko naman sila kaano-ano eh." sagot ng tukmol.

I rolled my eyes. Napailing ako sa sagot ni Hugo. "Eh ako, kaano-ano mo ba? Psh." sagot ko naman sakanya.

Ayaw magpayakap sa katulong kasi hindi naman daw niya kaano-ano. So ako? Kaano-ano niya? Psh! Bugok talaga ang isang 'to. Wala na bang mas tatanga pa kay Hugo?

"Soon." sagot niya

"Anong soon ka diyan?" tanong ko naman.

"Infinity, I am fcking serious. Please stop being annoying, just hug me." inis na sabi niya

Nagulat naman ako kaya niyakap ko na lang. Warahell! Ano 'to? Bakit ko ginawa 'to? Bakit nangyayari 'to? Okay okay, hug lang 'to at wala pang ibig sabihin, pero bakit ganito? Kinakabahan talaga ako, baka kasi...

Baka...

Baka...

Baka...

Baka...

Baka mahawa ako kay Hugo. Yun nga!

Hugo

Nagising ako dahil nasisilawan ako sa araw na pumapasok galing sa binatana. Babango na sana ako nang may naramdaman akong mabigat na nakapatong saakin.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now