Chapter 23 - Classmates

6.2K 142 3
                                    


Infinity

7 PM na, kakarating lang namin ni Hugo sa bahay (pero di pa kami pumapasok). Masyado atang tahimik ang bahay? I mean, hindi naman gaano kaingay ang bahay nila Hugo pero hindi rin ganitong tahimik. Siguro umalis sila ng bahay?

"Wala sila mama?" tanong ni Hugo saakin

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam eh. Tara nalang sa loob" sabi ko sakanya tapos binuksan ko ang pintuan--

.

.

.

.

.

Nakaupo sa mahabang sofa ang parents ni Hugo, si ate Samantha naman nakaupo sa side, sa may pang-solo na sofa. Kinakabahan naman ako. Ano bang nangyayare?

Seryoso silang lahat. Tapos ang tahi-tahimik.

"Ma, Pa, ano pong nangyayare?" tanong ni Hugo sa parents niya.

Nakatayo lang kami sa harap nila, bale nasa gitna namin ang coffee table.

"We should talk about something, Hugo." sabi ng mama niya. Seryosong sabi ng mama ni Hugo.

*dug dug* Gabiteh! Ano ba to? Kinakabahan naman ako eh. Hindi pa natatanggal ang mga seryoso at matatalim na mata nila saakin, kaya medyo napapayuko ako.

"Talk about something? Eh bakit naman ganito?" tanong ni Hugo.

Tumayo ang nanay ni Hugo at lumapit ng kaunti saamin. "Hanggang kailan niyong balak na itago ang totoo samin, Hugo?" tanong ng mama niya sakanya. Medyo nagkaka-hint na ako, alam na ba ng parents niya? "At ikaw.." nagkatinginan kami ng mama ni Hugo pero hindi masama ang tingin ko sa mama niya. Halata sa muka ko ang "takot at kaba", "You're a bad influence. A liar" sabi niya tapos lumapit pa siya saakin ng kaunti. "And a great pretender" -- *pak*

Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman ko ang hapdi na dinulot ng pagsampal ng mama ni Hugo saakin.

"MAMA!" sigaw ni Hugo sa mama niya.

"Now what, son? Shouting at your mom for this girl?" sabi ng mama niya

Nanatili ako sa pwesto ko, di ako sumagot, sinusubukan kong ayusin ang paghinga ko. Sa totoo lang, ang nararamdaman ko ngayon is para akong 'nabastos', nahihiya rin ako.

"How dare you do that to her?! How dare you insult her?!" sigaw ni Hugo sa mama niya.

Hinawakan ko si Hugo sa wrist niya. "No, Hugo. 'Wag mong sisigawan ang mama mo." sabi ko kay Hugo. "Sorry po. Hindi ko po talagang gustong itago sa inyo ang katotohanang hindi po talaga ako ang girlfriend ni Hugo at ang tunay na mommy ni L." sabi ko sa mama ni Hugo.

Tumayo naman si ate Sam at lumapit saamin kasabay ang papa ni Hugo. "Mama, I told you, I'll explain everything" sabi ni ate Sam.

Hinawakan naman ng papa ni Hugo ang mama niya sa may braso at inalalayan siyang umupo, "Umupo muna tayo. Let's talk without having to shout at each other. If we should talk about something, idaan natin sa masinsinang usapan." sabi ng papa niya ng makaupo na kaming lahat.

"Mama--" naputol ang pananalita ni ate Sam dahil sumingit agad ang mama ni Hugo.

"Gusto ko marinig ang kuwento mula sayo, Infinity.." sabi ng mama niya saakin

"Sa totoo lang po, hindi ko kilala ang anak niyo, hindi ko kilala si ate Sam at lalo na si Hugo. Isang araw, naghahanap ako ng trabaho at pagkatapos umupo muna ako sa may kalsada para makapagpahinga dahil wala pa akong nahahanap na trabaho... Pagkatapos--"

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora