Chapter XIV - Heartbreak Hotline FAIL

Start from the beginning
                                    

---



Here at school. Ngayon ay naglalakad na ako papuntang school cafeteria. Galing ako sa tryout ng cheerleading team.




If you're curious sa kung ano mang nangyari, wala naman. I just showed them some of the dance routines that I prepared and they look pretty impressed. Wala dun ang R Squad. Gaya nga ng sinabi nila, nakareserve na ang spot nila sa team so hindi na nila kailangan mag-alala.



"Hey, Brianna!" Napalingon ako ng may tumawag sa'kin. Si Caleb pala. Medyo matagal na kaming hindi nakakapag-usap. Actually simula nung naging parte ako ng R Squad, hindi n'ya na ako pinapansin. Hindi dahil sumusunod ako sa deal namin ni Regina. Wala akong planong sundin 'yon.



"Hey, buti naman kinausap mo na ako." I said as I walked closer to him. Gosh, bakit ako ngiting ngiti!? Kausap lang naman, ah? Sinusubukan kong 'wag paabutin ang ngiti ko sa tenga ko pero mukhang talagang abot tenga talaga ang ngiti ko. I was so happy to talk to him again.




"You tried out for the cheering team?" He askeed and raised one eyebrow. Gosh, he looks so gorgeous when he does that. Nakakadistract tuloy.




"Y-Yeah." Yan lang ang naisagot ko.



"Hmm. Seems like you really are part of the R Squad now." He said and faked a smile. God, here we go again.



"What's that suppose to mean?" I said as I raised my left eyebrow.



"Oh, nothing much. Ang laki lang ng pinagbago mo, Brianna. Siguro nga gumanda ka ngayon pero sana ibalik mo yung dating ikaw." Sa sinabi n'yang yan, napatango nalang ako tsaka ako tumalikod na sakanya.



At least inamin n'ya na maganda ako. Pang-ilang beses ko ng narinig yan.



*RIIIIIINGG* *RIIIIINGG*


Napatingin ako sa cellphone ko na nagring.



Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sa Heartbreak Hotline pala ang tawag na ito. Caleb.


Napalingon ako agad sakanya. Hawak n'ya ang cellphone n'ya habang nakatingin sa cellphone kong nagriring. "What a coincidence." He said.



Napapikit ako. Parang tila ba nakadikit ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko.




"Aren't you gonna answer that?" He asked. Again, hindi ako sumagot.



Tinignan ko na ang cellphone ko at nagpanggap na may kung ano mang kini-click doon pero ang totoo ay dinecline ko ang tawag n'ya. Nang madecline ko iyon, tinapat ko agad ang phone ko sa tenga ko para hindi halata na ako yung natawagan n'ya.




"Oh, hey mom!... Oh, yeah. Uuwi ako ng maaga ngayon..." Pagpapanggap ko na may kausap ako. S'yempre magaling akong umisip ng paraan eh. At least ngayon iisipin n'ya na may tumawag nga saakin at hindi ako ang Heartbreak Hotline na tinatawagan n'ya. "No, no... I'm doing great... Ano?... Ah, oo. Break time namin ngayon eh kaya---"




*RIIINGG* *RIIIINGG*




Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko nang magring nanaman ang phone ko. Napatingin ako kay Caleb na ngayon ay nakatingin sa'kin habang nakataas ang isang kilay. Busted.


Binagsak ko ang cellphone ko para lang hindi na mapag-usapan ang pagsisinungaling ko. Ngayon tuloy ay halata na na nagpapanggap lang akong may kausap.



Dali-dali namang lumapit si Caleb at pinulot ang cellphone kong binagsak ko.




"Gosh, sorry. I am so clumsy. Haha, buti nalang di nabasag ang phone ko. Anyways, hinihintay na ako nila Regina kanina pa so see you later, bye!" I said and walked as fast as I can. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil gusto kong makaalis na sa lugar na 'yon.




Gosh, sigurado akong kahit papano ay nahalata n'ya 'yon! Bakit ba naman kasi s'ya tatawag sa school!? Gano'n ba kalaki ang problema n'ya para tumawag ng school!? Tss.


"Ugh, ang tagal mo. Patapos na kaming kumain. Sa'n ka ba galing?" Kunot-noong sabi ni Regina.




"Yeah, sorry. May inasikaso lang." I said started eating.





*BUZZ* *BUZZ*


Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko. Dinukot ko iyon at inopen ang text na natanggap ko. Darn, it's from Caleb again.





From: Caleb




Heartbreak Hotline inactive again. Tsk tsk. Siguro nalulugi na kayo 'no? Basta tatawag nalang ulit ako mamaya pagkauwi ko. May sasabihin akong importante. It's about the girl I told you I like.






Babaeng gusto n'ya? Wait, as in yung babaeng gusto n'ya bukod kay Regina? Sino nga ba yung babaeng 'yun? Hindi n'ya nabanggit eh. Should I ask him? Nope. Baka sabihin n'ya ang chismosa ng Heartbreak Hotline. Little did he know, it doesn't even exist.
















End of Chapter XIV...


Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now