ELEMENTIA 15: Knights in Training

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumalikod siya saakin at tumingin sa fountain—I mean sa mga estatwang nasa gitna ng fountain.

"Ikaw ang huling kukumpleto sa mga napiling guardian. Ikaw ang isa sa napiling elemental upang protektahan ang mundong ito sa kasamaan—"

"Hep! Wait lang!" pinutol ang kaniyang mga sinasabi dahil hindi ko nagugustuhan. "Are you out of your mind? Ako? Guardian? Wala akong balak magsakripisyo ng buhay, I love my life!"

Nahihibang ba siya? Nandito lang ako para matuto at makaiwas ng gulo!

"Wala kang pagpipilian, Prinsesa. Ang dugo mo ay naiiba sa lahat, dahil ang dugong nanalaytay sayo ay dugo ko."

Lumapit ako sa kaniya at tinignan siya ng seryoso.

"What do you mean?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "Sino ka ba talaga?"

"Nakailang pakilala na ako pero tinatanong mo parin kong sino ako?" natatawa niyang tanong.

"May nakakatawa ba sa tanong ko?" seryoso ko ring tanong.

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa ulo, just like my family does to me.

"Hindi naman, kaya lang nakaraming pakilala na ako sayo. Ako nga si Froze. . .Froze Celestis, ang unang pinuno ng Lumikki Kingdom at ang unang may-ari sa mga elementong hawak mo."

"You mean, you're my grandfather?"

"Great Grandfather."

Napabilog ako ng bibig sa sinabi niya. This creature is my great grandfather!

"You're here, because?" wala sa sariling tanong ko. "Hindi lang naman siguro upang sabihin lang saakin ang magiging sanhi ng kamatayan ko hindi ba?"

"Silly Princess, of course that's not all I'm going to say. I showed up to you because of this," natatawang niyang sabi.

Lumiwanag ang kanan niyang kamay at may isang kwintas na lumulutang rito.

"Aanhin ko yan?"

"It's a gift, Princess."

*DREAM END*


Napalingon ako sa paligid ng mawala siya. Maging ang kinatatayuan naming hardin kanina ay biglang nagbago. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang suot ko ng damit, a blue colored sleeveless short front long back combat top, black short shorts and a long black boots.

"Bakit ganito na ang suot ko?" nalilitong tanong ko. Bakit nandito na ako sa labas ng akademya?

"Mabuti naman at nandito kana, Prinsesa."

Napataas ako ng kilay ng makita ko ang mga kasama ni Captain Casimire, dalawang pandak at dalawang matangkad.

"Princess, meet my co-captain Gianna Blaze Feirus."

Tumingin ako sa babaeng matangkad, may pulang buhok na naka-ponytail at medyo maputi.

"And this are my knights in training, Chie, Nicole, Thunder and Walter."

Tumango na lang ako sa kanila. Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kong bakit nandito sa labas. Sa pagkakatanda ako ay sa kwarto ako natulog.

"Prinsesa—"

Tinaas ko ang mga kamay ko para patigilin sa pagsasalita ang kapitan.

"Tawagin niyo na lang akong Summer," sabi ko ng pautos. Naiirita ako sa paraan ng pagsasabi niya ng prinsesa.

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon