Chapter IV - R Squad?

Start from the beginning
                                    

Ang laki ng binayad ni Caleb sa Bread&Brew para hiramin yung lugar nila para sa surprise party niya kay Regina.

Rose petals everywhere, marami ring red and pink balloons na nakasabit sa ceiling at sa walls.

It was...so romantic.

Lalo na nung times na maraming nagsasabi kay Caleb na hiwalatan si Regina dahil masama daw ang ugali ni Regina. Pinaglaban n'ya si Regina.

Doon ako lalong humanga kay Caleb. Sinabi ko sa sarili ko na kung hindi man si Caleb ang maging boyfriend ko, maghahanap ako ng kagaya n'ya. Someone na maeffort at ipaglalaban ka. Yung sayo talaga makikinig, hindu sa ibang tao.

I like him so much. Gustong gusto ko s'ya at hindi lang yun kalandian. Kung kalandian lang yun, itsura lang ang gusto ko sakanya. But..but I like everything about him. He's my ideal boyfriend and my inspiration.

Naaalala ko dati, sinasabihan ako lagi ni mommy na ang crush daw, dapat ginagawang inspirasyon. Yung magi-improve ka dahil sakanya hindi yung bababa ka.

"Brianna. Andito si Regina. Hinahanap ka n'ya. Look, whatever happens, wag ming sasabihan sa kanya na gusto mo si Caleb, okay?" Kuya said. I just rolled my eyes and went to the living room.

Regina really was there. Why is she looking for me?

"Hey. It's me again." Bati n'ya.

"Hey. Bakit ka andito?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Hindi naman kami close, eh. Bakit n'ya ako pupuntahan sa bahay?

"I just.. Do you wanna hang out with us?" Natawa ako sa sinabi n'ya. Regina wants me to hang out with her? Haha, what is this joke?

"What? Who's 'us'?" Tanong ko.

"Us. As in me, Gretchen, Carylle, Michelle, and Angelica. The R Squad." ohmygosh. What is with her? "Gusto mo ba o ayaw mo? You better get ready now. We're going to the mall. Wear anything pink." She said and winked.

Pumunta na ako sa kwarto ko at sinara ko ang pinto ko.

Dali-dali kong tinawagan si Harmony.

"Harmony, what do I do? Regina's asking me to hang out with them, the R Squad."

"Hello to you, too."

"Aish, seryoso, Harmony! Sumama ba ako o wag?"

"Sumama ka. But I bet they're up to something so be really careful. Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, never share a secret. These girls are very---"

"Okay, bye!"

Hindi ko na s'ya pinatapos at binaba ko na ang telepono.

Dali-dali akong naghanda at bumaba na.

"You look gorgeous, Brynn." Puri ni Regina. Nginitian ko lang s'ya.

Pagkalabas ko, nagulat ako dahil buong R Squad pala ay andito. Sumakay na ako sa kotse -- kotse ni Gretchen yata 'to.

Sa buong ride namin papuntang mall, ang ginawa lang nila ay sabayan ng kanta ang music na pinapatugtog nila. Karamihan dun ay mga kanta ng Spice Girls. These girls love Spice Girls.

Heartbreak Hotline [ON GOING]Where stories live. Discover now