Sobrang emosyonal ko madalas, lagi ko siyang nasisigawan ng hindi sinasadya. Napakabugnutin ko, ang bilis ko magtampo. Kinukurot ko pa siya at kinikiliti lagi kapag napagtripan ko.

Pero wala siyang reklamo. Buti na lang talaga at mahaba ang pasensya ng asawa ko. Tahimik lang siya kapag nag aamok at nagdradrama ako. Siya pa ang magso-sorry kahit ako naman dapat.

Napakabuti niyang asawa sa totoo lang. Wala akong masabing kakulangan niya. Kung may irereklamo man siguro ako sa parte niya ay ang nanay niyang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang pakibagayan.

Siguro totoo, hindi na siya nagbubuga ng masasangsang na salita patungkol sa akin. Pero hindi maiiwasan na taasan niya pa rin ako ng kilay kapag nagkakabanggaan kami.

Dapat ko pa nga yatang ipagpasalamat na dumalo siya sa kasal namin ni Theon noong huling buwan.

Akala ko nga hindi siya sisipot kaya nagulat naman talaga ako na nandoon siya. Magkatabi sila noon ni Angelica na may kasamang lalaki.

Boyfriend niya daw kaya hindi na nagawa pa ng nanay ni Theon na ipagtulakan ito sa asawa ko.

Noong araw din ng kasal ko ay nagawa ko pa ding imbitahin si Papa. Aaminin ko hindi ko pa rin siya napapatawad, pero sinusubukan ko.

Malapit na siguro. Malapit na. Nakikita ko naman kasing nagsisisi siya sa mga nagawa niya. Pero hindi naman yon sapat na kabayaran sa lahat ng mga sakit na pinagdaanan namin.

Siguro mapapatawad ko siya, pero hindi muna ngayon. Alam kong darating din ako sa part na yon.

Masaya nga ako ng malaman kong pinalayas niya na si Tita Stacey sa bahay dahil sa nalamang panloloko sa kanya.

Iniwan niya sa poder niya si Ismael, wala namang kasalanan ang bata sa kahayupan ng ina niya.

"Ma, may dinala kaming pagkain. Yong paborito mo."

Nakita kong nilalabas na ni Carson ang niluto ni Glory na Beef steak, ako sana ang magluluto kaso pinilit ako ni Glory na siya na lang daw, baka mapagod lang daw ako.

"Ma, niluto 'to ni Glory. Papakilala ko 'yon sayo next time." proud na sabi ni Carson.

"Sabi ko naman sayo Ma, inlove na po ang anak niyo."

Sinamaan ako ng tingin ni Carson. "Hindi nga kami. Friends lang."

Tinirik ko ang mga mata ko pataas. "Oo na. Defensive ka masyado."

Tatlong oras din kaming nakipagkuwentuhan kay Mama. Ganito naman kami lagi ni Carson, may mga pagkakataon pa nga na buong araw kaming nandito.

Minsan natutulog pa kami ditong magkapatid lalo na noong unang taon pa lang ng pagkamatay ni Mama. Lagi kaming tumatambay rito.

"May gusto ka bang daanan Ate?"

Hindi ko siya sinagot. Kinapkap ko lang sa bag ang tumutunog kong cellphone. Baka si Kris na ito, sabi niy kasing tatawagan niya ako ngayon.

Ah. Si Kris nga.

"Bakla, ano na yung sasabihin mo?"

Walang umimik.

"Hoy. Kristofer"

Narinig kong may kausap siya sa kabilang linya. "Arya. Pasensya na. May kausap kasi ako. Ano..yung surpresa natin kay Eva para sa birthday niya sa friday. Kaw na bahala magpareserve ng venue. "

Huminga ako ng malalim. "Paulit ulit ka din no. Noong nakaraang araw mo pa yang binabanggit sa akin. Huwag kang mag- alala. May na-reserve na ako, kahapon pa."

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Onde histórias criam vida. Descubra agora