Chapter 20

11.8K 321 5
                                    

Aryanna POV

UMAAGOS ang mga luha ko habang hinihila ako ni Theon papunta sa sasakyan niya.

Sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa bag ko dahil ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko.

Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad niya akong isinandig doon.

"Are you alright?"

Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha ay nakita ko pa rin na gumuhit ang pag aalala sa mga mata ni Theon.

Pinunasan ko ang mga luhang sunod sunod na tumutulo sa mukha ko at dahan dahang tumango sa kanya.

"Did he hurt you?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at sinuri ang katawan ko.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig at pagiging tensyonado niya. Nangigigil ang mga ngipin niya sa galit.

Halos hubaran niya na nga ako kakahanap ng pasa o galos sa katawan ko.

Napailing ako ng ginagap niya ang mga kamay ko. Inagaw ko iyon at tinago sa likuran ko. Nakita kong pumikit siya ng mariin at malalalim na hininga ang narinig ko mula sa kanya.

"LET ME SEE YOUR HANDS!" gigil na gigil na sabi niya.

Umiling ulit ako at umiyak. Pero marahas niyang kinuha at ginagap ang mga palad ko. Nililis niya ang sleeve ko para makita ang palapulsuhan ko.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya ng makita ang mapupulang marka sa kamay ko dahil sa pagbaon ng mga kuko doon ni Darren.

"F*ck! Sh*t!!!"

Sinipa niya ang gulong ng sasakyan niya at tumalikod sakin. Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Nakita ko pang napasabunot siya sa buhok.

Gusto ko siyang pakalmahin pero mas nataranta ako ng pinokpok niya ng malakas ang hood ng kotse niya.

Napahagulgol ako ng malakas. Barado na nga ang ilong ko kakaiyak at hindi na rin ako makahinga ng maayos.

Ngayon ko lang nakitang ganyan si Theon. Ngayon ko lang siya narinig na nagmura. Galit na galit ang mga mata niya at nanginginig siya sa inis.

Ano bang gagawin ko?? Nakita kong itinungkod niya ang mga kamay sa hood ng sasakyan niya at pumikit ng mariin.

Muli akong suminghot. Gusto ko siyang pakalmahin at kausapin. Pero walang lumalabas na salita sakin, pakiramdam ko nga nalunok ko na ang dila sa kahihiyan kay Theon.

Nahihiya ako ng sobra sa kanya, siya pa ang sumaklolo sakin. Kasalanan ko lahat ito, ako na naman ang MALI.

Kung sana hindi ako lumabas ay hindi sana mangyayari ito. Ang tanga tanga ko talaga. Napakatigas talaga ng ulo ko.

Pinunasan ko ang mga luha at tumingin sa gawi ni Theon. Hindi ko maapuhap ang tamang salita na dapat sabihin sa kanya.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata at hinaplos ang kamay ko. Inangat ko ang tingin kay Theon na nasa dati pa ring pwesto.

"T-Theon" nauutal na tawag ko sa kanya.

"I- I'm sorry."

Pumiyok pa ako dahil muling lumabas ang mga luha sa mga mata ko. Kanina pa ako walang humpay sa pag-iyak. Nakakainis ang mag luhang 'to. Ayaw tumigil! Tsk!

Naglakad ako palapit sa kanya kahit nanlalabo ang mga mata ko. Tumayo ako sa tabi niya at tumitig lang sa mga kamao niyang parang bakal sa pagkakakuyom.

Pinunasan ko ulit ang mga luha kong nag uunahang bumuhos. Gusto kong hawakan ang kamao niya at iunat iyon.

Gustong kong sabihin sa kanya na okay lang ako. Na magiging okay din ang lahat.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now