Chapter 11

12.8K 342 3
                                    

Aryanna POV

NADATNAN ko si Carson at Theon na nakikipaglaro kay Bern sa tapat ng bahay nina Aling Rowena.

Lumipad ang tingin ko kay Aling Rowena na kulang na lang ay ipakita niya ang kaluluwa sa suot niyang sobrang nipis.

Biglang nawala ang sakit ng ulo ko at napalitan ng pag init ng ulo. Nilalandi niya ba ang kapatid ko? Aba hindi ako papayag!

No way! Kung si Theon lang sana pinapakitaan niya ng dibdib niya ay ayos pa, dahil wala naman akong pakialam sa gunggong na 'yan. Pero kung kapatid ko na ang usapan, p*nyeta!

Madilim ang mukha kong lumapit sa kanila.

"CARSON!" pinanlakihan ko ng mata si Carson nang makatayo ako sa harap niya at inagaw ang asong kalong kalong niya.

Hinarap ko si Aling Rowena na pumuputok ang dibdib sa sobrang kapit ng sleeveless niya.

"Oh Arya! Nandito ka na pala. Di mo man lang sinabi na may kapatid ka palang pogi at kaibigang adonis!"

Pinilit kong ngumisi kahit gustong gusto ko na siyang isisig sa sobrang taba niya. Binalik ko ang tingin kay Carson at hinila ang braso niya papunta sa apartment ko.

"Buksan mo 'yang pintuan!" singhal ko sa kanya ng maiabot ko ang susi.

Agad naman siyang tumalima at ginawa ang inutos ko. Inunahan ko siya sa pagpasok at nilagay sa sofa si Bern bago siya hinarap.

Tinalasan ko ang tingin sa kanya "Bakit nagpapalandi ka sa higad kong kapitbahay? Abat gurang na 'yon."

Kinunotan niya lang ako ng noo at napansin kong biglang dumilim ang pagmumukha niya. "An-Anong nakikipaglandian?"

"Saka uminom ka na naman ba Ate? Amoy alak ka!"

Tinalikuran ko siya at pumunta sa kusina. Nagsalin ako ng tubig sa baso bago tumingin kay Carson na sumunod din sakin "Oo! Uminom ako. Bawal na naman ba 'yon? May sinuway na naman ba ako sa mga patakaran at paniniwala mo sa buhay? At bakit ka ba kasi nandito? Nagsama ka pa ng suwapang rito?"

Narinig kong bumuga siya ng hangin "Sinabi ko naman kanina na makikipag usap si Theon sayo diba?! Sige lumaklak ka lang ng alak araw araw. Di na ko magtataka kung bukas matagpuan na lang kita ditong patay."

P*tang ina nito! Bat naman ako mamatay eh masama akong damo?! Nilagok ko na lang ang tubig sa baso.

"Saka ano naman ang sasabihin ng ugok na 'yon! Oh. Nasaan siya kung makikipag usap pala siya sakin?"

Hindi nakatakas sa paningin ko ang paghilot ni Carson sa sentido niya at paghinga ng malalim.

Yumuko siya. Maya maya ay inilagay niya ang kaliwang kamay sa bewang niya at ginalaw ang kanang kamay para ituro ang banyo.

"Please! Maligo ka muna, amoy alak ka! " puno ng pagtitimpi na sabi niya bago tumalikod papunta sa labas.

WALA AKONG IBANG GINAWA kundi maligo at mag ayos ng sarili. Pinakain ko din si Bern at iniwan sa kwarto. Uminom din ako ng Advil para mabawasan ang sakit ng ulo kong parang pinipiga.

Nang lumabas ako sa kwarto ay nadatnan ko sa salas sina Carson at Theon na seryosong nag uusap. Umupo ako sa kaharap nilang sofa.

Dumako ang paningin ko kay Theon na nakatitig sakin. Kung hindi lang ako inaway ng lalaking 'to noong nakaraang linggo baka nagkagusto ako sa kanya.

Abat laging pomopogi ang g*go sa paningin ko. Umaayos din ang porma niya.

Ngayon ko din nalaman na sinungaling din ang bayawak na 'to. Sabi niya para siyang nahuhubaran pag inaalis eye glasses niya.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now