Chapter 23

12.2K 352 4
                                    

Aryanna POV

"Anong constellation 'yun?"

Tumuro ako sa langit. Nakahiga kami ni Theon ngayon sa likod ng dodge truck niya at nakatingala sa mga bituin.

Pagkatapos naming kumain ng dinner sa isang resto ay nagmaneho na kami pabalik ng bahay.

Pero nagulat na lang ako ng ibang daan ang tinatahak namin. Isang makitid at madilim na kalsada na tanging mga nagtatayogang puno ang nakita ko.

Mababanaag man ang ilang kabahayan, ilang dipa naman ang layo.

Kumabog naman talaga ang puso ko sa kaba. Naisip ko na baka isalvage niya pala ako. D

iko maiwasang mag imagine ng mga brutal na bagay kanina. Baka nagkukunwari lang pala siyang mabait sakin , pupugutin niya na pala ang ulo ko at igigisa ako para gawing Puchero.

Pero walang nangyari, dinala niya lang ako sa isang tahimik na lugar. Pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng isang lake na may kumikislap na tubig na tinatanglawan ng bilog na buwan.

Walang pang katao tao. Tanging ilaw lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing liwanang sa paligid.

Dito daw sila nag iinumang magbabarkada noong nasa kolehiyo pa sila. Nakakawala daw kasi ng problema ang lugar.

"Saan?"

Sinundan niya ng tingin ang tinuturo ko.

"Hercules."

P*tang ina. Matalino talaga. Lahat ng tinuro ko, nasagot niya ng isang tingin lang. P*tspa! Saan ba siya nag aral?

Di na ako magtataka kung pati chemical composition at magnetic field ng mga stars ay banggitin niya din.

"Siguro nung fetus ka pa lang Theon, hindi ka nakapikit. Nakamulat lang ang mga mata mo at kinakabisado at inaaral ang parte ng katawan ng Mommy mo. Tapos pagkapanganak mo, hindi ka umiyak kundi sinalaysay mo sa doctor kung paano ka naging baby."

Tumawa siya na parang biro ang sinabi ko. T*ng ina! Seryoso kaya ko doon.

"Bakit ka tumatawa? Siguro natumpak ko no?"

Ngumisi siya. Pasimple ko siyang sinilip. Ang braso niya ang nagsisilbing unan niya habang ako ay ang bag ko. Nagtataas baba pa ang mga balikat niya kakakapigil sa pagtawa.

"Hoy Theon. Tumigil ka na nga! Baka gusto mong lunurin kita sa lawa."

Tumigil na siya sa pagtawa pero nararamdaman ko pa rin ang pag alog ng mga balikat niya. Tsk!

"Bakit napakatalino mo Theon?"

Pinagkrus ko ang mga braso habang nakatingin sa mga bituin.

"I'm just fond of reading books when I was still a kid."

Mahilig din kaya ako magbasa dati pero talagang mapurol lang ang utak ko.

Diko na siya sinagot. Tinuon ko na lang ang pansin sa langit.
"Eh, Anong constelllation yon??"

"No idea." bulong niya na nakatingin pa rin sa langit.

Umawang ang labi ko. Teka! Akala ko alam niya lahat.

Buti na lang hindi. Atleast may chance na din ako magpakitang gilas sa kanya.

Kung constellation din lang pag uusapan ay gamay na gamay ko yan. Kabisado ko lahat yan.

P*nyeta noong mga bata kasi kami ni Carson, ganito rin kami. Bonding namin ang mag-star gazing.

Dati gusto ko ng magpatiwakal sa mga nakabubulahaw niyang pangaral sa constellation na yan.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now