Chapter 40

13.1K 344 7
                                    

Aryanna POV

"Ilang buwan na ba ang apo ko Arya?"

Binigyan ko ng tipid na ngiti si Tito Marko. "Hindi pa po ako nagpa-pacheck up."

"Dapat magpa-check up na kayo. Theon, samahan mo ang asawa mo mamaya. May kakilala akong OB."

"Opo Dad."

Nandito kami ngayon sa kusina nina Theon. Bago pa man kami makaalis kanina ay hinabol na kami ni Tito Marko.

Pinabalik niya kami sa loob ng bahay nila para saluhan sila sa umagahan. Tatanggi sana si Theon dahil sa ginawa ng Mommy niya ay napilitan na lang akong pumayag.

Ayoko namang bastusin si Tito Marko, siya na nga lang ang nagpapakita ng kabaitan sa akin.

"Kumain ka lang ng madami Arya."

Ngumiti lang ulit ako kay Tito Marko. Hindi maiwasan ng paningin ko na dumako sa banda ni Tita Annie na kanina pa tahimik sa hapag kainan.

Siguro pinagsabihan na siya ng asawa niya sa asal niya kanina sa akin. Pero kahit ganoon pa man, hindi iyon naging hadlang para tapunan niya ako ng matatalas niyang tingin.

Hindi na nga ako makasubo ng maayos dahil pinapanood lang ako ni Theon at ang reaksyon ng Mommy niya sa pinag- uusapan namin.

"Kailan niyo ba balak magpa-kasal iho?"

Tumingin sa gawi ko si Theon pero hindi ko siya sinulyapan. "Bago sana lumabas ang anak namin"

Napalunok ako ng tumikhim si Tita Annie. "Sigurado ka na ba na ikaw ang ama ng batang yan?"

"Anni-"

"Kagabi lang may nakita akong kasama niyang ibang lalaki sa party, baka yon naman pala ang tunay na ama ng batang 'yan." singit pa niya ng akmang susuwayin siya ni Tito Marko.

Nagpanting ang tenga ko. Ito ang hindi ko kayang palagpasin sa lahat ng sinabi niya.

"Hindi po ako ganoong klase ng babae. Nasisiguro ko na si Theon ang ama ng batang ito dahil siya lang ang gumalaw sa akin."

Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa inis ng mabilaukan ang Mommy niya habang umiinom sa muntik ng pagtawa sa sinabi ko. Nilapag niya ang baso habang natatawa pa rin at umiiling.

"You're kidding me right? Because I am sure, you are that kind of girl na kung sino sino ang kinakama."

Malakas na binitawan ni Theon ang kutsara at tinidor niya saka galit na tumingin sa Mommy niya.

"MO-M!"

Tumigil ang Mommy niya sa pagngisi at umayos ng upo.

"Pwede ba umayos naman kayo?!! Bakit ganyan ka? You know what Mom, I'm starting to hate you now. I thought I've known you, yet to be realized...HINDI PALA... Please !! I'm just holding my temper now!!! Don't push me to my limits, cause I'm close to the edge. At kapag hindi ka pa tumigil.... I will leave this house and...will never come back!!!"

Natahimik ang buong kusina. Hindi ko na napigilan ang sarili, hinaplos ko ang braso ni Theon na nanginginig sa galit.

"Calm down."

"Kung hindi niyo kayang tanggapin ang asawa ko at ang anak namin. Wala na akong magagawa pa. Magpapakasal kami ulit sa ayaw at sa gusto mo!!!!"

Napalunok na lang ako ng padabog na tumayo si Tita Annie sa upuan niya. Pinukol niya pa ako ng nakamamatay na tingin bago umalis ng kusina.

"I'm sorry."

Pinilit kong ngumiti kay Tito Marko sa likod ng sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko maatim na may tao na sagad ang pagkadisgusto sa akin. Ang malala, nanay pa ng asawa ko.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now