Chapter 10

11.9K 313 4
                                    

Aryanna POV

PINILIT kong humagikgik sa joke ng taragis na nasa harapan ko at nakipag-apir pa ko sa gunggong. Langya! Kanina pa 'to nagjojoke, puro ang co-corny naman.

Habang si Eva ay tulog na tulog na nakahiga sa sofa. Nandito kami ngayon kina Kris nag iinuman.

Katatapos lang ng duty ko kanina sa Club ng niyaya nila ako dito. Tatanggi pa sana ako kaso sinamahan niya pa ng hila ang alok niya.

Sumama na 'ko tutal minsan lang mag-aya si Eva ng inuman. Saka letse! Libre din 'to. Apat kaming lahat kasama na din si Carl na boyfriend daw ni Eva - yung corny magjoke Amp*ta!

Imbes na magpahinga ay dumiretso agad ako rito para uminom. Wala eh! Diko talaga makalimutan 'yong pangyayari sa mansyon nina Carson kahit tatlong araw na ang nakararaan.

Diko makalimutan 'yong mga hinayupak na pagmumukha ng mga taksil.

Ang kakapal pa ng mukha para humingi ng tulong sakin. Mamatay sila! P*nyeta. Diko sila tutulungan!

Kaya nga sinabi ko na papayag lang akong magpakasal kapag pinalayas si Tita Stacey doon sa mansyon dahil malabo 'yong gagawin ni Papa. Aba mahal na mahal niya 'yung kerida niya.

Kaya imposible ding magpakasal kami 'nung ulopong na si Theon. Theon the Great Nerd!

"Oh tagay pa!" nilagyan pa ng alak ni Carl ang hawak kong baso at inisang lagok ko naman 'yon.

Pinikit ko ang mata ng maramdaman ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko.

Sinandal ko ang inaantok na katawan sa upuan bago kumuha ng chicharon na nakapatong sa mesa at kinagat iyon habang nakapikit. Ninamnam ko ang lasa 'nun bago nilunok.

Maya maya ay narinig kong humihilik na si Carl na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa sofa.

Mga walang hiya! Bilis makatulog. Pinilit kong idilat ang mga mata kahit gusto na nilang pumikit. Saan na ba si Kris? Tulog na din ba 'yon?

Diko nga namalayang umalis kanina dahil kwento ng kwento si Carl. Di nauubusan ng sasabihin ang g*go. Puro katarantaduan, kabulastugan at kayabangan niya lang naman ang pinagkukwento niya!

Muntik pa akong matumba ng pinilit kong tumayo sa kinauupuan. Ramdam ko ang pagpikit ng mga mata ko pero pinilit ko pa ring maglakad kahit pagewang gewang na ako. Pakiramdam ko mabubuwal na ako anumang oras.

"Kris!" sigaw ko habang nakahawak sa pader at nakayuko. Nahihilo na ako.

Paekis ekis akong naglakad. Tangna! Bilis ko tinamaan, dati rati naman kahit magdamag akong lumaklak ng alak- hindi ako nalalasing ah.

"Fck!" Naramdaman ko na lang na dumausdos ang katawan ko sa sahig.

Hinayaan ko na lang ang sarili na humiga doon at pinikit na ng tuluyan ang mga mata.

DIKO ALAM kung gaano katagal ang tulog ko dito sa sahig. Basta nagising na lang ako sa dire diretsong pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko.

Agad ko iyong kinapkap kahit parang pinupokpok na sa sakit ang ulo ko.

Umupo ako ng maayos sa sahig at hinilot ang noo bago sinagot ang tawag.

"Ate! " Si Carson. Bat tumatawag tawag to eh ang aga aga pa?

Pumikit ako ng mariin "Baket?"

"Nasaan ka!? Kanina pa kami naghihintay dito sa labas ng apartment mo?"

Sht! Bigla akong napabalikwas ng tayo kahit pakiramdam ko'y hapong hapo ang katawan ko.

Para akong binugbog sa sakit ng mga braso ko. P*nyeta! Tagal na din kasi noong huli kong inom ng alak.

"Ano bang ginagawa niyo diyan? Sinong kasama mo?Langya! Bat pa kayo naghintay, kita mo na ngang walang tao." sunod sunod na singhal ko sa kapatid.

Umiinot ang ulo ko. Umagang umaga putak na naman ako ng putak!

Tiningnan ko ang pwesto kung saan ako nakahiga kanina. Langya! Dito talaga sa pintuan ng kwarto ni Kris ako natulog. Sobrang kalasingan 'to.

 Inangat ko ang tingin sa kama at nakita doon si Kris na baluktot na nakataklob ng kumot. Ay wow naman talaga! Ganda ng pwesto. Habang kaming lahat eh nagkalat dito. P*tragis ng bayot na 'to!

"Nasaan ka ba? Sunduin kita!"

Sht! Isa pa tong Carson na 'to. Ano ba kasing ginagawa niya sa apartment ko at may kasama pa ang gunggong?

Pinilit kong maglakad kahit pinipiga sa sakit ang ulo ko. "Huwag na! magtataxi na lang ako. Dito ako kina Kris!"

Nang makarating ako sa sala ay nakita kong nakasalampak na sa sahig si Carl. Humihilik pa ng malakas. Naglalaway pa siya at bahagyang nakanganga.

P*tragis! Gaano ba kadami ang natungga naming alak at parang natumba kami lahat.

"Bilisan mo, nandito kami ni Theon!"

Kinunot ko ang noo ng marinig ang pangalang binanggit ni Carson "Bakit mo naman kasama yang suwapang na yan!?"

Ilang sandali bago nagsalita si Carson "Basta! Bilisan mo na lang. Kakausapin ka daw niya."

"Oo na!" sigaw ko bago ibinaba na ang cellphone at isinuksok sa bulsa.

Pinulot ko ang heels ko na nagkalat sa gilid ng pintuan habang ang isa ay nasa ilalim ng upuan. Napakaburara ko talaga!

Bumalik ako sa kwarto ni Kris habang bitbit ang heels ko. Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinampas ang katawan niya "Hoy! Kristofer. Aalis nako! Baka di ako makapasok mamaya sa salon. "

Narinig ko lang na umungol siya sa ginawa ko. Umiling ako at isinuot na lang ang heels ko. Nang maisuot ko ang heels ko'y hinila ko ang kumot na nagtatakip sa ulo ni Kris.

"P*tang ina! Aalis na ako. Di ako papasok mamaya!"

Nakita kong gumalaw siya at sinulyapan ako saglit gamit ang isang mata niyang nakabukas. Nang tuluyan niyang imulat ang dalawang mata ay kitang kita ko ang panlilisik nun "Walanghiya! Wala akong pakialam kung umalis ka! P*nyeta!Panira ka ng tulog" bulyaw niya sa namamalat na boses.

Sa inis ko ay kinurot ko lang siya sa bewang bago lumabas ng kwarto. Narinig ko pang nagmura ang bakla.

NILISAN ko na nang mabilisan ang nasabing lugar ng makasakay ako sa taxi. Muli kong hinilot ang noo ko at sinabunutan ang sarili.  Ang sakit ng ulo ko parang pinupokpok ng martilyo.

Agad akong lumabas sa taxi ng maibigay ko ang bayad ko. Nadaanan ko pa ang mga lasenggerong nagpapakalunod sa alak sa kanto.

Nung inalok nila akong tumagay ay agad ko iyong kinuha. P*tang ina! Ganoon ko nakuha ang respeto ng mga iyon kaya hindi ako tumatanggi sa kanila. Okay na 'yong isang tagay kesa bastusin pa nila ako.

TO BE CONTINUED.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now