Chapter 32

10.9K 279 10
                                    

Aryanna POV

"Yan lang ba ang bibilhin mo?" tanong sakin ni Thalia.

Tiningnan ko ang bitbit kong plastic na may lamang strawberry at ube jam.

Wala nga dapat akong bibilhin dito sa Black Market pero tinawagan kasi ako ni Eva noong nakaraang araw, nagpapabili siya ng pasalubong. Di ko naman yon kayang tiisin.

Lalo na ngayon na may pinagdadaanan siyang malaking dagok sa buhay dahil sa panloloko ni Carl sa kanya.

"Bili tayo ng Lengua De Gato."

Nagpahila na lang ako kay Thalia papunta sa isang pwesto sa dulo. Kanina pa nga kami naglilibot dito sa bayan. Napuntahan na yata namin lahat ng bilihan.

Hindi kasi kami sumama kina Theon na pumunta ng PMA. Dinalaw kasi nila doon ang kapatid ni Aidann, isa daw siyang kadete doon.

Huling araw na namin ito dito sa Baguio. Nakakalungkot isipin dahil talagang mamimiss ko ang bahay ni Benz sa Country Club.

Sa buong linggo naming pananatili rito ay wala kaming ibang ginawa kundi mamasyal sa buong lungsod. Dalawang beses pa kaming nag- picnic sa John Hay.

Pumunta din kami sa Strawberry Farm tulad ng napag usapan namin. Napagplanuhan din namin na magbakasyon sa Palawan o Batanes next month.

Okay lang naman sakin dahil naipalagay na ang kalooban ko sa mga kaibigan ni Theon lalo na kay Thalia na lagi kong nakakasama.

"Hindi ka bibili?"

Umiling ako at pinanood na lamang siya na sinuksuksok sa plastic ang nabili niya. "Magtataxi ba tayo? O susunduin nila tayo rito?"

"Taxi na lang tayo. Baka matraffic pa sila papunta rito." mabilis kong sagot sabay hila sa kanya palabas ng Black Market.

Napakarami na nga niyang nabili pero parang wala pa siyang balak itigil ang paglulustay niya ng pera.

Kanina pa siya dampot ng dampot ng gusto niyang bilhin. Maski mga keychain, hindi niya pinalagpas.

"Sa tingin mo, masarap kaya Shawarma nila dito sa Baguio?"

Inilipat ko ang paningin sa direksyong tintingnan niya. "Naku naman Thalia! Katatapos lang nating kumain sa Session Road ah. Anong tiyan ba ang mayroon ka?"

Sumimangot siya. "Tikman lang naman natin."

Di ko siya kinibo.

Hinila ko na lang siya at pumara ng Taxi. Kahit nagpupumiglas siya para bumalik sa bentahan ng Shawarma ay itinulak ko siya papasok ng Taxi.

"Tumigil ka na. Sasapakin talaga kita Thalia."

Humalukipkip lang siya sabay tingin sa labas. Ngumuso pa siya. "Nakakatakam ang Shawarma nila."

Huminga ko ng malalim.

"Saan po kayo Ma'am?"

Hindi ko nilingon ang driver.

"Country Club po" sagot ko habang kinakalkal sa bag ang cellphone kong kanina pa nagba-vibrate.

"Ano ba naman yan Arya? Sagutin mo nga yan! Parang nililindol ang bag mo sa lakas ng vibration."

Inirapan ko siya. "Sandali. Hinahanap pa lang eh."

Muli kong hinanap ang cellphone ko sa bag. Tsk! Napakadami ko naman kasing dalang abubot dito.

Di ko naman ginagamit. Tatanggalin ko na lang mamaya ang mga hindi importante.

Si Kris pala tumatawag. Ano namang problema nito?

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now