Chapter 28

10.9K 311 7
                                    

Aryanna POV

....................SPG..............

NAALIMPUNGATAN na lang ako sa gitna ng gabi dahil sa paghalik ni Theon sa batok ko. Hinawi niya pa ang buhok ko patagilid.

"T-theon....Ano ba?"

Imbes na sagutin niya ako ay hinapit niya lang ang bewang ko palapit sa katawan niya.

Ipinagpatuloy niya ang pagdampi ng labi sa batok ko, minsan ay sa balikat. Tumatayo ang mga balahibo ko sa ginagawa niya. Pero naiinis pa rin ako sa kanya.

Humiwalay na nga ako ng kama sa kanya kahit nitong nakaraang linggo ay sa iisang kama lang kami natutulog.

Pero dahil sa asar ko ay natulog ako sa dati kong kama. Nakakainis naman kasi siya. Pinatulog niya pa sa guest room si Angelica. Nabwebwesit ako.

"Theon, tumigil ka nga. Nakikiliti ako." pagsaway ko sa ginagawa niya.

Sinilip niya ako. "Galit ka pa rin ba sakin?"

Tsk! Naglalambing na naman siya. Diko siya tiningnan. Hinila ko lang ang kumot para takpan ang katawan ko.

"Honey......Sorry na."

Tinulak ko siya ng mahina sa dibdib at humiga ako patihaya. Matagal akong nakatingin sa kisame.

"So, hindi ka pala nakakakain ng masarap kapag ako ang nagluluto?"

Bumangon sa pagkakahiga si Theon. Umupo siya sa tabi ko at tumitig ng matagal sa mukha ko. Narinig kong huminga siya ng malalim.

"Arya, nagsasabi lang ako ng totoo kanina sa kusina. Wala akong intensyon na ikumpara ka kay Angelica. Isa siyang magaling na Chef, bagay lang na dapat marunong talaga siyang magluto. Saka mas masarap naman talaga ang luto niya sa luto mo."

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Pinapamukha mo talaga na masama ang lasa ng mga luto ko?" mataray kong tanong sabay irap sa kanya.

Humugot na naman siya ng malalim na hininga. "Hindi ganoon. Siyempre expertise niya talaga ang pagluluto dahil Chef siya. Pero kapag ginawa niya ang mga ginagawa mo tulad ng paggupit ng buhok, sasabihin ko din sa kanya na mas magaling ka dahil yon ang expertise mo."

Inirapan ko siya. "Che! Hindi na ako kailanman magluluto! Lutuin mo mag isa mo ang pagkain mo!" asik ko.

Hinilot niya ang gitna ng mata niya. "Ang hirap naman mag explain sayo."

Di ko siya pinansin. Tumitig lang ako ng masama sa kisame at mas lalong hinapit ang kumot sa katawan ko.

Naramdaman ko na lang na sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "Hirap mong suyuin. Sorry na. Saka kinakain ko pa rin naman ang mga niluluto mo kahit-"

"Kahit hindi masarap?" Pagpapatuloy ko. Hindi ko na mapigilang mapahikbi.

"Kaya siguro nitong nakaraang linggo, ikaw na ang nagluluto dahil hindi mo na maatim na isubo ang mga letseng luto ko."

Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo doon. "Ssshhh. Sorry na Arya. Huwag ka ng umiyak."

Ngumuso ako. "Paanong hindi ako iiyak, kinumpara mo ako sa iba. Ayoko non. Ayokong kinukumpara ako sa iba."

"Hindi na. Hindi na kita ikukumpara sa iba."

Nakita kong nakapatong na siya sakin. Nakatukod ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng balikat ko.

"Huwag ka ng umiyak. Ayokong nakikita kang ganyan."

Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi. "Kasi naman, nakakainis ka!"

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now