Chapter 33

10.1K 270 2
                                    

Aryanna POV

"May bagong balita na ba?" tanong ko kay Kris na hapong hapo ang itsura.

"Wala pa." nanghihinang sagot niya ng maisalampak ang sarili sa sofa.

Nakita ko kung gaano siya kapagod sa postura niya. Nangingitim ang ilalim ng mga mata at ultimo buhok niya ay di niya na nagagawa pang suklayin at ayusin.

Agad kong tinungo ang kusina para kumuha ng malamig na tubig para kay Kris.

Isang linggo na akong nandito sa Condo ni Kris. Isang linggo na kaming tuliro, kinakabahan at balisa para kay Eva. Dito na ako dumiretso pagkagaling namin sa Baguio noong nakaraang linggo.

Hindi na kami nagkita pa ni Theon mula ng araw na dumating kami rito.

Nagkakausap lang kami sa telepono at ako pa ang tumatawag sa kanya. Minsan ay wala pang nagaganap na kumustahan samin dahil parehas kaming madaming pinoproblema ngayon.

Naiintindihan ko naman siya. Kahit hindi niya sabihin alam kong marami din siyang naiwang trabaho sa Hotel nila ng dahil sa bakasyon namin. Dagdag pa ang anniversary ng Hotel nila na gaganapin sa Byernes.

Pinipilit ko siyang makipagkita sakin minsan pero nagdadahilan naman siyang may business meeting daw sila.

Miss na miss ko na nga siya sa totoo lang. Gusto ko na ngang umuwi sa bahay namin pero alam ko namang wala din akong madadatnan doon.

Naglalagi na kasi siya sa bahay nila kaya ayokong umuwi, wala naman akong uuwian doon. Gusto ko ngang magtampo sa kanya pero baka busy lang talaga siya.

"Wala daw silang namukhaan kahit ni isa sa mga dumukot kay Eva dahil nakatakip ang mga mukha nila."

Inabot ko ang tubig sa kanya. Hindi na ako nagluto pa dahil hindi naman kumakain si Kris.

Lagi ko nga siyang napapagalitan at nasisita dahil napapabayaan niya na ang sarili niya.

Walang humpay siyang naghahanap ng impormasyon na pwedeng magbigay daan kung sino man ang tumangay kay Eva. Pero sa kasamaang palad, wala kaming napapala sa mga pulis.

Umupo ako sa kaharap niyang sofa "Yong plate number? Wala bang CCTV sa harap ng mall na iyon?"

Malungkot siyang umiling habang nakapikit ang mga mata. Hindi ko siya masisisi kung bakit ganyan siya kaapektado sa pagkawala ni Eva, magpinsan at magkababata sila.

Sa tingin ko nga, kapag nalaman ni Kris kung sino ang dumukot kay Eva ay walang patawad niya itong papaslangin sa sariling mga kamay.

"Pinaimbestigahan mo na ba si Clyde?"

Iminulat niya ang mga mata. Kinuha niya ang tubig na ipinatong niya sa mesa at nilagok iyon ng dire diretso.

"Si Clyde?"

Tumango ako sa kanya. Pinagmasdan ko siya ng mabuti, lupaypay siyang nakasandal sa upuan na parang wala ng lakas pang tumayo.

Hindi nga siya natulog dito kagabi. Nanatili siya sa bahay nina Tito Daniel para maghintay ng bagong update ng mga investigator na pinakuha ni Tito Daniel.

"Wala sa bansa ngayong buwan si Clyde. Lumipad siya patungong London. Hindi nga ako naniwala noong una pero ipinakita nila ang litrato ng passport niyang may tatak na nagtungo talaga siya doon."

Huminga ako ng malalim. "Sana ibalik na nila si Eva satin. Mas lalo akong kinakabahan habang tumatagal-"

Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ng may marinig akong kumatok sa pinto. "Kris. Nandiyan ka ba?"

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now