Chapter 7

11.5K 323 8
                                    

//Theon is pronounced as Tee-yon, 'yong parang sa Game of Thrones. Si Theon Greyjoy.  //

Aryanna POV

"Akin na 'yong susi ng sasakyan at ipapark ko 'yon sa iba."

Binaba ko ang hawak kong tinidor at magkasalubong ang kilay na tiningnan si Carson sa harapan ko. P*nyeta! Kanina pa niya ko kinukulit tungkol sa paglipat ng kotse niya.

"Baka mahuli tayo."

Kumuha lang ako ng tissue at pinunasan ang bibig. Paulit ulit niya ng sinasabi 'yan.

Nakapark lang naman kasi 'yong kotse niya sa Sullivan Hotel at pinark ko 'yon sa may sign ng "RESERVED for CLIENTS ONLY".

Eh letse, matagal ko ng ginagawa 'yong ganun. Sinasadya ko talagang mag-park sa mga ganoong parking lot dahil may guwardiya na nagbabantay.

Kahit kailan talaga 'tong kapatid ko na 'to. Paranoid! Nakihiram lang naman kami saglit ng kunting space doon.

Di pa siya magpasalamat 'sakin at safe ang sasakyan niya. Lalo na ngayon na uso ang mga modus operandi ng mga Carnapper. 

Kaya mabuti na din 'yong lumabag ng isang patakaran sa Sullivan Hotel. At saka tanga ba ko para magpahuli? Di nga namalayan ng guard kanina na hindi kami member ng bwesit na client client na 'yan.

"Pwede ba Carson, magrelax ka na lang."

Kanina pa parang natatae ang itsura niya sa kaba at takot. Parang nakagawa naman kami ng karumal dumal na krimen.

Nakita kong nanginginig ang kamay niya sa hawak niyang baso "Paano ako magre-relax? Paano kapag pinakulong tayo?"

Bigla akong natawa sa sinabi niya. "Sira! OA ka."

Sumandal  ako sa upuan ko at pinanood siyang nakatingin sa sasakyan niya sa labas. Yong mga mata niya ay naiiyak na sa kaba.

"Hoy Carson, huminga ka nga ng malalim. Para kang naninigas sa upuan mo."

Tiningnan niya ako ng nakamamatay na tingin at nilagok ang tubig sa baso. "Huwag na huwag mo akong idadamay kapag nahuli 'yong sasakyan ko!" gigil na sabi niya sakin.

OA naman neto! Lagi ko na nga 'yang gawain sa sasakyan ni Kris para safe at di manakaw. Wala pa namang nakakahuli sakin ah.

Kaya kap*tang inaan lang kapag nahuli ako diyan. Kung nahuli edi kindatan at pakitaan ng legs ang guard.

Solve na solve na 'yon. Ang dami ko na ngang nalabag na rules at regulation. Yan pa kayang mag-park diyan sa bawal. Chicken lang yan sakin!

Kung lalaki nga lang ako, hindi lang ako iihi sa mga pader, iihi pa ako sa pedestrian lane at sa lahat ng over pass.

Walang bawal bawal sakin. Ako ang batas sa sarili ko. Walang makakapigil sakin. Kahit na yang Smoke Free Zone. P*tang ina! Nalabag ko na din 'yan, kahit nga magbenta pa ako doon mismo ng yosi eh. Kaya nga ang motto ko e "Masarap ang bawal"

Kasali na doon ang pagmumura, doon ako nabubusog - sa malulutong na mura.

Inumpisahan kong lantakan ang slice ng blue velvet cake na kabibigay nung waiter.

"Kesa magreklamo at magdadabog ka diyan, kuwentuhan mo na lang ako Carson."

"Ano namang iku-kwento ko?" padaskol niyang tanong sakin sabay irap. Sungit neto!

"Yung bago mong mommy at kapatid." nang aasar kong sabi habang dinidilaan ang tinidor ko

Parang nasuka naman siya sa sinabi ko dahil nasamid siya habang kumakain. Mukhang nawalan siya ng gana sa sinabi ko dahil binaba niya ang kubyertos niya at sumandal sa upuan.

"Nang aasar ka ba Ate? Ni hindi ko nga magawang tingnan ang mag inang 'yon!"

Biglang kumunot ang noo ko habang nilalaro ang cake gamit ang tinidor.

"Sinusungitan ka ba nila? Aba sabihin mo sakin at pasasabugin ko ang pagmumukha nilang dalawa. Mga mang aagaw! Nakikiapid na nga!"

Matagal niya akong tinitigan at sumilay ang ngiti sa labi niya
"Hindi nila ako sinusungitan. Nahihiya nga si Tita Stacey dahil laging nakayuko kapag kaharap niya ko."

Napatuwid ako ng upo.
"Dapat lang na mahiya siya, tinuring ko pa mandin siyang mabuting kaibigan ni Mama tapos ganoon ang gagawin niya. P*nyeta siya!"

Nakita kong sinuklay ni Carson ang mga buhok niya at tumingala sa itaas "Pag grumaduate na ko! Lalayas din ako doon."

Nginuya ko ang natitirang pagkain sa bibig ko at nilunok bago tumingin sa kanya "Yan ang huwag na huwag mong gagawin Carson. Bahay natin 'yon! Sila dapat ang umalis doon, wala silang karapatang mag ina sa pamamahay na 'yon. Kaya kung may aalis man doon ay hindi ikaw."

"Oh! Yon naman pala. Bat ka umalis at bat ayaw mong bumallik doon?"

Napasimangot na lang ako sa tanong niya at muling sumandal sa upuan.

Hinilot ko ang pagitan ng magkabilang mata ko at hinilamos ang magkabilang palad sa mukha bago nagsalita "Hindi ako lumayas, pinalayas ako ng ama mo. Sabi niya kapag hindi ako humingi ng tawad sa kanya at sa kerida niya, hinding hindi ako makakabalik sa pamamahay na yon! Palibhasa, wala ka kasi noon kaya dimo nakita ang nangyari."

"Pero gusto kang makausap ni Papa."

Inabot ko ang tubig sa mesa at ininom iyon.

"Oo. Huwag kang mag alala, makikipag usap ako. Pero hindi muna ngayon. At saka sabihin mo sa kanya dito kami magkikita at isama niya ang mag ina niya. Mag uutos ako ng babaril sa kanila gamit ang sniper rifle o papalunukin ko sila ng granada."

Natawa na lang ako ng nanlaki ang mga mata ni Carson sa sinabi ko.

"Puro ka na lang biro Ate."

Sasagot pa sana ako ng makitang nagkakagulo sa labas, may lalaking nakatalikod at pinapagalitan ang guwardiya na nagbabantay sa parking lot.

P*tcha. Yung sasakyan ni Carson yung tinuturo 'nung lalaking nakatalikod ah.

TO BE CONTINUED.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now