Chapter 29

11.3K 310 10
                                    

Aryanna POV

"You like it?"

Ngumiti lang ako kay Theon na nakatutok ang atensyon sa daan habang nagmamaneho. Muli kong hinaplos ang pendant ng suot kong necklace.

Binigay ito ni Theon kanina habang nagsusuklay ako ng buhok sa harap ng salamin. Sinabi niya kasing may kulang daw sa suot ko.

Nagtaka talaga ako dahil nasuot ko na lahat. Yon pala, necklace ang tinutukoy niya.

"Malapit na tayo."

Binitawan ko ang nilalaro kong necklace at tinanaw ang gate nina Theon. Wala akong nararamdaman na excitement, alam ko naman kasing hindi ako welcome sa anniversary ng magulang niya.

Kung hindi niya ako pinilit na sumama rito, hindi talaga ako pupunta. Buti nga nalaman kong nandito din si Carson, matagal na din kasi noong huling kita namin ng kapatid ko. Kasama niya pa noon si Glory.

"Mauna na kayo ni Angelica sa loob, ipa-park ko lang tong sasakyan sa likod ng bahay."

Hindi ko na siya sinagot pa. Binuksan ko lang ang pintuan at umibis na. Kumapkap ako ng Doublemint sa bulsa ko, isinubo ko iyon.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsunod din ni Angelica. Nakasuot pa siya ng puting dress, nagmumukha tuloy siyang anghel.

Habang ako, parang hindi party ang pupuntahan. Hindi nga ako nagsuot ng dress. Naka skinny jeans lang ako at split sleeve top.

"Let's go inside Arya."

Di ko pinansin si Angelica. Pinagmasdan ko lang ang bahay nina Theon sa harapan ko habang naglalakad papasok.

Wala namang nagbago. Mas lalo pang gumanda ang bahay nila dahil mas dumami ang halaman sa paligid.

"Oh My God, You're here."

Napatingin ako sa Mommy ni Theon na nasa bungad ng bahay nila.

Masayang masaya ang mukha niya habang nakatingin sa direksyon ko. Napatigil ako sa pagnguya ng bubble gum sa bibig.

Sh*t! Gusto niya na ba ako ? Mukhang masayang masaya siyang nakita ako. Kung sabagay, baka natanggap niya na din ako.

Klinaro ko ang lalamunan ko at ngumiti ako sa kanya. Pero hindi niya sinuklian. T*ngna! Kala ko ba masaya siyang nandito ako.

Nakita kong naglakad siya papalapit sakin. Napakalawak ng ngiti niya. Sinaniban ba to ng kabaitan sakin at nakangiti na siya?

"Akala ko hindi ka dadating iha."

Malapit na siya. Inihanda ko ang sarili sa pagbeso niya sakin. Ganoon naman kapag mayayaman diba? Mahilig sa beso.

"Angelica my darling."

Napalobo ako ng bubble gum ng lagpasan niya ako. P*tspa!

Niyakap si Angelica. Siya pala ang nginingitian ng gurang na to. Umasa pa man din ako. Pero wala akong pakialam. Magsama sila! Mga aswang!

"Miss na miss kita iha."

Pinutok ko ang bubble gum na pinalobo ko. Di kayo na! Mga bwesit! Kapapasok ko pa lang ng bahay nila pero ramdam na ramdam ko na ang pag welcome nila sakin.

T*ng ina! Panigurado mag-eenjoy ako dito.

"Tara sa loob, nasa pool lahat ng bisita. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."

Inikot ko lang ang mga mata ko ng talikuran na ako ng dalawang mangkukulam.

Kung umalis na lang kaya ako at maglakwatsa sa labas. Bibili ako ng Watusi at ikikiskis ko sa pagmumukha ng biyenan ko na may magaspang na pagmumukha. Isama na din yang Angelica na yan. Mga panira ng araw!

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now