Chapter 27

10.6K 292 9
                                    

Aryanna POV

KAPAPASOK ko pa lang ng gate ay rinig na rinig ko na ang tawa ni Theon sa loob ng bahay.

Napakunot noo ko. May bisita ba kami?

Nagmamadali akong naglakad papasok ng bahay kahit nanghihina ang buo kong katawan dahil sa pagod.

Napakahirap kasing patahanin ni Eva. Dumating pa si Carl sa Salon. Mas lalong nagkagulo.

Humingi siya ng tawad kay Eva at lumuhod. Pero pinagsasampal lang siya ni Eva at tinulak palayo.

Kahit ako din naman, kapag nangyari iyon sa akin, sasampalin ko talaga si Carl ng paulit ulit hanggang mamaga na ang pisngi niya.

Kulang pa nga yon kung tutuusin kung ikukumpara sa sakit na nadarama ni Eva.

Gusto ko nga ding sampalin si Carl kanina pero pinigilan ko ang sarili. Buti na lang at dumating ang security guard na pinatawag ni Kris.

Hinila nila si Carl na nagwawala na sa loob dahil hindi na siya kaya pang tapunan ng tingin ni Eva.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad papasok ng bahay. Baka nandito sina Aidann at iba pang kaibigan ni Theon. Baka sila ang bisita namin.

"Itong picture na to,Grade 2 yata tayo. Umihi ka sa swimming pool."

Narinig kong sabi ni Theon. Sino ba ang bisita namin at parang masayang masaya ang boses niya? Binilisan ko ang paglalakad.

"Tapos hinabol ka ng mga katulong pero tumakbo kang nakahubad sa garden."

Pakiramdam ko ay para akong kandila na itinulos sa pintuan nang makita ko ang eksena sa loob ng bahay.

Humahagalpak sa pagtawa si Theon kasama ang isang magandang babae na may porselanang kutis sa salas.

Magkatabi silang nakaupo sa sofa habang masayang binubuklat ang isang album. Parang tinusok ng sibat at milyong milyong karayom ang puso ko.

P*tang ina! Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si Theon. Ngayon lang!

Nakita kong nagulat ang babae ng mapadako ang tingin niya sakin.

Kinalabit niya si Theon na tawa ng tawa at itinuro ako.

"Arya."

Wala man lang bahid ng gulat ang mukha niya. Tumayo lang siya habang pinupunasan ang mga mata dahil sa luha. Tears of joy ika nga.

Nakatulala lang ako sa kanya. Pinanood ko siyang naglalakad papalapit sakin. Gusto kong magsalita pero nalunok ko na yata ang dila ko.

"Sorry, hindi na kita nasundo."

Iniwas ko ang tingin sa kanya at muling pinasadahan ng tingin ang babae. Kaya pala! Kaya pala hindi niya ako nasundo sa opisina. May sinundo na pala siyang iba.

"Di ko na nasabi kanina na may bisita tayo."

Hindi ko siya tiningnan. Nakatingin lang ako sa babaeng nakaupo sa sofa. Nakangiti lang siya sakin.

Napakasimple niya, wala man lang bahid ng kulorete ang mukha niya. Mukha siyang anghel na hinulog sa lupa.

"Halika. Ipapakilala kita kay Angelica."

Para lang akong tuod na sumunod sa hila ni Theon. Hindi humiwalay ang tingin ko sa babaeng prenteng nakaupo pa rin sa sofa.

Yung suot niya, balot na balot siya pero hindi maikakailang makurba ang katawan niya.

"Arya, si Angelica. Yung kababata ko na kinikwento ko sayo dati"

Tumayo ang babae at inabot ang kamay sakin. "Hi Arya. Ang ganda ganda mo pala talaga."

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now