Chapter 17

11.3K 286 5
                                    

Aryanna POV

"Pag naligo ka mamaya, pulutin mo ang mga hibla ng buhok mong naiipon sa drainage ng banyo."

Itinaas ko lang ang kanang paa ko sa upuan. "Nasabi mo na 'yan kanina Theon."

"Pag umalis ka huwag mong kakalimutang isarado ang pintuan sa veranda."

Sumubo lang ako ng tinapay. "Narinig ko na din 'yan kanina pa."

"Kapag hinugasan mo ang mga pinagkainan natin, isalansan mo ng maayos sa lalagyan."

"OPO." walang gana kong sagot kay Theon na sumusubo ng niluto kong mechado kagabi.

Nag aalmusal kami ngayon at nag aalburuto na naman ang bunganga ni Theon kakahabilin sa mga dapat kong gawin.

Paulit ulit niya na yang sinasabi kanina pa. Nalaman niya kasing hindi ako aalis ng bahay ngayong umaga kaya inulan niya na naman ako ng utos.

"Kapag maglalaba ka mamaya, ihiwalay mo ang puti sa dekolor na damit."

Inikot ko lang ang mga mata ko habang nilalagok ang natitirang kape sa tasa. Taena! Nagmumukha akong batang pinagsasabihan ng ermat ko. Tsk!

Dati naman kasi may katulong kami dito pero di kalaunan pinaalis din ni Theon. Nasosobrahan na daw kasi ang pagiging donya donyahan ko na utos dito, utos diyan.

Mula noong umalis si Yaya Marsi, ako na ang naglalaba ng mga damit namin. 

Noong una kahit may washing machine kami hindi niya pinagamit sakin. Matuto daw akong maglaba na gamit ang mga kamay. Letse! Lagi kaya akong nagpapalaundry sa iba noong nasa apartment pa ko. Ayoko kasing gumaspang ang mga kamay ko.

Tapos ngayong nandito na ako sa bahay ni Theon, pinagkuskos niya ako hanggang mamaga at magkasugat sugat ang mga kamay ko.

Humihikbi nga ako noon habang naglalaba pero di niya ako pinansin. Sinermonan niya lang ako ng napakaraming salita.

Pero buti na lang, pinagamit niya na yung automatic washing machine niya ng drinamahan ko siyang nagdudugo ang kamay ko. Kunwari lang yon, bilis niya nga maniwala.

Kapag yung washing machine kasi niyang pangmayaman ang ginamit ko. Ayos na ayos! Ilalagay ko na lang tapos tuyo na paglabas. Di hindi ako nagpawis.

"Tsk! Yung ilaw din sa dressing room. Lagi mong nakakalimutan patayin!"

Dumighay lang ako at pinanood siyang tumatayo sa upuan niya. Nakasuot na siya ng suit niya papuntang opisina.

Lumapit siya sakin at pinitik ang kanang paa kong nakapatong sa upuan.

"Pinagsabihan na kita dati na hindi 'yan upo ng maayos na babae, ibaba mo yan!"

Tumalima naman ako agad at ibinaba ang paa ko. Ayoko kasing matosta ng mga sermon niyang sinisikil ang tainga ko.

Malapit na ngang mabutas ang bambam ng tainga ko sa mga utos, habilin at mga payo niya. Para siyang Pari na sobrang istrikto. Mukha nga akong seminarista na nasa seminaryo sa sobrang higpit ng asawa kong 'to.

Sa normal na sitwasyon ng mag asawa, ang babae ang putak ng putak. Pero samin ni Theon, baliktad, kasi siya ang talak ng talak samin.

Gayunpaman, hindi yon nakabawas sa pagkalalaki at kakisigan niya. Prim and proper lang talaga siya! Mas tumaas nga ang respeto ko sa kanya dahil naiisip kong napakabuti niya talagang tao.

Gusto niya talagang baguhin ang pagiging busabos at lagalag ko.

Saka kasalanan ko din naman, tamad kasi ako at matigas ang ulo. Sobrang isip bata ko pa. Hindi pa kasi talaga ako handa sa pag aasawa, para akong sanggol na gumagapang pa lang habang si Theon ay isa ng batang busog na busog sa katalinuhan.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now