Chapter 5

13K 333 4
                                    

Aryanna POV

SAPO SAPO ko ang noo sa pagod. Hinilot ko iyon sandali at sumandal sa kotseng naka-park sa harapan ng Club. Kinuha ko ang isang kahang sigarilyo sa bag ko at naglabas ng isang yosi.

Sinindihan ko 'yon gamit ng lighter na ninakaw ko pa kay Kris at pinanood ang mga sasakyang dumadaan sa Club.

Napasulyap ako sa wristwatch ko.  Tagal naman ni Carson! Sabi niya malapit na siya.

Hinithit ko ang yosi at ibinuga ang usok pataas. Inaantok pa ko. Nakitulog kasi ako doon sa room ni Eva sa basement dahil magkikita kami ni Carson ngayong umaga. Pero ala-sais na ng umaga, wala pa rin siya.

Nilaro laro ko ang usok sa bibig ko at binuga pataas. Sinundan ko ng tingin ang usok at yumuko para ipikit ang mga mata. Inaantok talaga ako!

Napaangat ako ng tingin ng makarinig ng busina ng sasakyan. Humithit pa ako ulit sa yosi bago tinapon ang sigarilyo ko ng bumaba ang bintana ni Carson. 

"Tsk!"

Magagalit kasi yon! Letse! Sayang 'yong yosi, di pa nangangalahati.

Binuga ko ang usok habang naglalakad palapit doon.

"Tagal mo ah."

Umikot ako at binuksan ang pintuan sa passenger seat. Tinaasan ko lang ng kilay ang kapatid kong naka-kunot noo sakin.

Ayos to ah. 'Bat parang siya pa yata galit? Ako nga naghintay dito eh. Kupal din neto minsan.

"Tinatanong kita Carson, bakit ang tagal mo?"

Umupo ako at sinarado ang pintuan. Kasing lamig ng mga titig ni Carson ang kotse niya "Pipe ka na ngayon? Saka bakit ba ganyan ka makatingin?"

Mas lalong dumilim ang mukha niya sakin "Akin na yung kaha ng sigarilyo mo!" galit na turan niya.

Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakabuka sa harapan ko. Kinunotan ko nga siya ng noo.

"Anong sigarilyo?" nagmamaang maangan kong tanong.

Pumikit siya ng madiin at parang nagtitimpi. "Amoy na amoy ko na Ate, kaya please akin na!"

Huminga ako ng malalim at sumandal na lang sa upuan.

"Wala nga! Paandarin mo na tong sasakyan mo at makaalis na tayo rito."

"Isa!" gigil na gigil na sabi niya

Inikotan ko siya ng mata. "Tsk! Wala nga."

"Dalawa!" maawtoridad na dugtong niya.

Bumuga ako ng hangin sabay tingin sa kanya. "Makulit ka talaga no? Wala sabi eh."

"Hindi tayo aalis dito hanggang hindi mo yan nilalabas."

Tinirik ko ang mga mata bago hinagilap sa bag ang kaha ng Marlboro. Padabog ko 'yung nilagay sa kamay niya kasama na yung lighter.

"Oh ayan na!"

"Heto na ang huling beses na magsisigarilyo ka." sabi niya habang pinipiga sa kamay niya ang kaha ng sigarilyo.

Hindi ko na siya sinagot. Ayokong makipag-away sa kanya. Pagod ako kaya pinikit ko na lang ang mga mata.

"Magsisimba tayo ngayon." mahinang sabi niya habang pinapaandar ang sasakyan. Pero hindi ko na 'yon naintindihan.

DAHIL sa pagod at puyat ay nakaidlip ako. Namalayan ko na lang na niyuyugyog na ako sa balikat ni Carson.

"Ate! Nandito na tayo. Halika na."

Ininat ko ang mga kamay at humikab. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at nang mapatingin ako sa labas ay halos maatake ako sa puso.

Binagsak ko ang mga kamay na nakaangat at halatang nawalan ako ng dugo sa mukha.

"Anong ginagawa natin dito?" magkahalong taka at inis na tanong ko kay Carson na pinagbubuksan na ako ng pintuan.

"Magsisimba. Ano pa nga ba?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko naghihingalo na ako sa sinabi niya. Magsisimba? P*ta! Umakyat yata lahat ng dugo sa ulo ko at nakaramdam ako ng lamig sa paligid. Pakiramdam ko nahiya ang katawan ko sa salitang simba.

Aba! Limang taon na yung huling pasok ko sa simbahan. Required pa 'yon dahil kasali sa graduation program. Baccalaureate mass yata tawag 'dun. Kaya baka masunog lang ako pag pumasok ako diyan.

"Halika na! Mag uumpisa na ang misa!"

Inirapan ko siya "Nananadya ka ba Carson? Dito mo talaga ako dinala. Akala ko ba pakakainin mo ako? Anong kakainin ko diyan? Hostia?"

Nakita kong hinilot niya ang sentido sa sinabi ko "Please! Ngayon lang ate."

Nakikiusap ang mga mata niya sakin "Ngayon lang to kaya tara na!"

Huminga siya ng malalim at yumuko para pantayan ang mukha ko. "Please Ate! Para kay mama."

Bigla tuloy akong naawa sa itsura niya. Hindi ko kasi matiis ang bata na 'to. Kinagat ko ang labi bago tumayo.

Nang makalapit ako sa kanya ay ginulo ko ang buhok niya "Sige na nga."

Lumiwanag naman ang mukha niya at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob ng simbahan.

Habang naglalakad kami ay nararamdaman ko ang mga matang nakatuon sakin. Pero wala akong pakialam kung nakuha ko ang atensyon nila.

Sanay na sanay naman ako na pinagtitinginan ng mga tao. Kung hindi hinuhusgahan ay kinukutya.

Eto ang ayaw na ayaw ko sa simbahan, punong puno ng mga mapangutyang tao na naghahanap ng kamalian para may mapag usapan lamang.

'Kala mo naman mga perpekto silang wala ng maipipintas. Porket nagsisimba na sila at malapit sila sa Panginoon, mabuti na silang tao. Kung relihiyoso ka na, basehan na ba yun nang pagiging mabuti mong tao?

'Yang ginagawa pa nga lang nilang pagkilatis sakin sa mga mapangutya nilang mata ay nakakabawas na sa kabutihan nila.

Porket saulo nila ang Ama Namin , memoryado nila ang dalawampung misteryo ng kabanal banalang Santo Rosaryo at kabisado nila ang bahagi ng banal na misa, may karapatan na silang manghusga?

Bakit? Kung hindi ka na ba dumadalo sa misa, itinatanggi ka na ng Panginoon? Langya!

Hay Naku! Ang mga taong 'to na perpekto ang minsang nagiging pabigat sa buhay eh. Kung may mali sa itsura, ayos at gawa mo - agad nila iyong napapansin.

Buti sana kung ikakaayos ng ugali nila ang pangmamaliit sa tao. Hindi naman.

Huminga na lang ako ng malalim. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang tarpaulin na nakasabit sa gilid tungkol sa dress code.

Nilaro ko ang labi ko gamit ang hintuturo ko at napailing. Kaya pala pinagtitinginan nila ako. Backless lang naman kasi na hindi umabot sa tuhod ang suot ko.

"Sa harap tayo Ate."

Imbes na mahiya ay sinundan ko lang ang kapatid ko. Nakataas noo pa ako at kinikindatan ang mga matatandang napapalingon sakin.

Tunog lang ng heels ko ang naririnig at ang mahihinang kuro kuro't bulungan ng mga tao.

Hindi ko sinadya na ganito ang itsura ko, kagagaling ko lang sa trabaho at wala sa hinagap ko na mapadpad dito.

Tsk! Sige! Pagtinginan niyo lang ako dahil gustong gusto ko ng atensyon sa totoo lang.

"Excuse me!" maarte kong sabi sa magkasintahan na nakaupo sa tabi ni Carson.

Inirapan lang ako ng babae kaya tinaasan ko siya ng kilay. Bwes*t! Tiningnan ko ang lalaking katabi niya na nakatitig sakin.

"Padaan pogi!" malandi kong sabi sa kanya, nginitian niya naman ako at binigyang daan.

Nang makaupo ako sa tabi ni Carson ay biglang umalis ang babae sa upuan na sinundan din ng bf niya. Mag aaway yun panigurado.

TO BE CONTINUED.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now