Chapter 18

10.3K 295 4
                                    

Aryanna POV

WALA akong ibang ginawa kundi maglinis sa buong bahay pagkatapos kong plantsahin ang mga kalalaba kong damit namin ni Theon.

Pagod na pagod ang katawan ko at para akong nalugmok sa kumunoy sa sobrang dungis ko.

Kiniskis ko lahat ng pwedeng kiskisin, pinunasan ko lahat ng alikabok, tinanggal lahat ng nakabubulahaw na agiw ng gagamba, pinuksa lahat ng insekto at pinakinis lahat ng dapat pakintabin.

Nagniningning nga sa kislap ang marmol na sahig namin dahil pinakintab ko talaga yon ng husto.

Baka sakaling maabsuwelto na ako sa mga kasalanan ko kay Theon dahil sa paglilinis ko ng bahay niya.

Parang binugbog nga ang katawan ko, gustuhin ko 'mang humilata na lang sa kama ay diko magawa.

Sabay kasi kaming magla-lunch ni Theon ngayon. Kaya pinilit kong linisan ang katawan at mag ayos ng sarili. Ayoko namang magalit na naman siya dahil diko siya sisiputin.

Ginawa ko din lahat ng inihabilin ni Theon bago umalis. Sinarado ang pintuan sa veranda, pinatay ang ilaw sa dressing room, linisan ang drainage sa banyo dahil sa buhok ko, hinugot lahat ng saksakan at sinara nang maayos ang trangkahan.

P*tang ina! Masipag naman pala ako kapag gugustuhin ko. Sh*t! Nakakaproud lang.

Pagkarating ko'y umupo agad ako sa gilid at tinawag na ang waiter para mag order. Sinabihan niya akong maghintay within 30 minutes.

Ilang sandali lang din ay dumating din agad si Theon at umupo sa tapat kong upuan.

Nakasalong baba lang ako habang pinapanood siyang nagtatanggal ng neck tie. "Nag order ka na?"

Tumango lang ako at bumuga ng hangin. "Pinakintab ko ang buong bahay mo at ginawa lahat ng habilin mo."

Itinukod niya ang mga siko sa lamesa at pinagsiklop ang mga daliri. "Mabuti naman kung ganoon."

Lumunok ako at tumingin sa labas. Ayoko kasing salubungin ang mga mata niyang nakatitig sakin. Pakiramdam ko, hinihigop ako ng paningin niya "May bayad kaya 'yon."

Naramdaman kong nakatingin pa rin siya sakin. Ilang sandali din bago siya nagsalita. "Kung hihilingin mong bayaran ko ang magagasto natin ngayon dito ay ayos lang sakin."

Bigla tuloy akong naasiwa sa mga titig niya kaya itinuon ko ang atensyon sa mga dumadaang sasakyan sa labas.

"Hindi 'yon. Ako magbabayad dahil ako nagyaya. Ibang bayad ang tinutukoy ko."

"Nagkautang pa ako sa paglinis mo sa bahay. Ano bang kabayaran non?"

Kinagat ko ang ibabang labi at sinilip siya.

"Hihingi lang sana ako ng abiso sayo. Opening ng bar ni Eva mamayang gabi. Nangako ako sa kanyang pupunta ako. Kaya payagan mo lang ako. Bayad ka na."

Kumunot ang noo niyang maaliwalas kanina. "Sinong mga kasama mo?? Anong oras ka uuwi? Iinom ka na naman ba?"

Pumikit ako ng mariin bago tumingin ulit sa kanya. "Ang dami mo namang tanong, payagan mo na lang ako."

Sumandal siya sa upuan at huminga ng malalim. "Madami talaga akong tanong Arya, baka nakakalimutan mo, nasa poder na kita. May karapatan akong panghimasukan ang buhay mo dahil una sa lahat ay asawa mo na ako. Hindi kita papayagan kung hindi mo sasagutin ang mga tanong ko."

Tinitigan ko siya ng diretso sa mata.

"Sina Kris at mga dati naming kaklase sa college ang mga kasama ko. Baka madaling araw na ako umuwi dahil di naman ako papayagang umuwi ni Eva ng maaga kapag mga ganoong okasyon na nagre-reunion kaming magkaka-batch. Saka sa huling tanong mo, baka uminom ako. Siguro, di naman kasi mawawala ang alak sa bar."

Bumuga siya ng hangin at pinikit ang mga mata. Nang imulat niya iyon ay nakita kong naiinis siya.

"Kaya ba nilinisan mo ang bahay dahil diyan sa lakad mo?"

Sinimangutan ko siya. "Hindi ah. Sinipag lang talaga ako kanina. Saka doon din lang naman ako nakatira kaya nilinisan ko."

"Tandaan mo lang na may asawa ka na. Hindi puwedeng nakikipaglandian ka doon porket wala ako. "

Inikotan ko siya ng mga mata. "Opo, alam ko na yan."

Narinig ko ulit siyang humugot ng malalim na hininga. "Okay then."

Lumawak ang ngiti ko at tiningnan siya ng may malalaking mata. "Pinapayagan mo na ako?"

Tumango siya ng dahan dahan habang nakatingin sa labas. "Huwag mo lang akong gagalitin, ayokong bukas na bukas ay ako na ang laman ng pahayagan. Na may asawa akong nakikipaglampungan sa ibang lalaki."

Tinalasan ko siya ng tingin "Hoy! Theon.. Kahit kailan ay di pa ako nakipaglandian sa iba mula nung ikinasal tayo kaya tigil tigilan mo ako. Hindi ako higad na kapag kinati, magpapakamot."

Ngumiti siya ng tipid.  "Oo na, naniniwala na ako sayo"

Sasagutin ko pa sana siya kaso dumating na ang mga pagkain namin. Tahimik lang kaming ngumunguya't sumusubo at minsa'y nag uusap tungkol sa mga trabaho namin.

"Hanggang anong oras ka mamayang gabi?"

Uminom muna ako ng tubig bago tumingin sa kanya. "Sinagot ko na 'yan kanina , hindi ko alam"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Porket ayaw ka nilang pauwiin ng maaga, late ka na uuwi."

"Sinabi ko bang late ako uuwi?"

Tumingin siya sa labas. "Kaya nga tinatanong ko kung anong oras."

Umirap ako sa kawalan. "Baka alas-tres ng madaling araw"

Matagal niya akong tinitigan na parang hindi kapani paniwala ang sinabi ko. "Seriously?"

Tumango ako. "Oo, baka 4 am pa nga eh"

Nakita kong dumilim ang mukha niya habang pinupunasan ang bibig. "Wow" sarcastic niyang sabi at umiling iling.

"Nagtanong ka, sinagot ko lang"

"Bahala ka na nga." matabang niyang sabi.

Bumuga ako ng hangin. "Sumama ka na lang kaya kung naaburido ka sa pwede kong gawin. Naku naman Theon, nagbago na ako. Nakatatak na sa utak ko na may asawa na ako."

Matagal siyang hindi sumagot.

"Okay"

Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. "Magpapakabait ako Theon. Promise ko yan sayo."

Hindi niya ako sinagot pero ramdam kong mataman niya lang akong tinititigan.

"Promise " pang uulit ko pa.

Nang matapos kaming kumain ay bumalik na siya agad sa opisina at ako nama'y umuwi na rin para makapagpahinga.

TO BE CONTINUED.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now