Chapter 36

10.8K 283 5
                                    

Aryanna POV

"Arya. Ano ba? Maliligo ako. Ang tagal mo na diyan sa banyo ah. May plano ka pa bang lumabas?"

Tulala lang akong nakatingin sa pregnancy test na binili ko kanina sa Pharmacy na nadaanan ko bago pumunta rito sa Condo Unit ni Kris.

Mga ilang minuto din akong nakatitig doon. Nanginginig ang mga kamay kong pinipiga ang resulta.

Dalawang linya - Positive. Nagbunga na nga ang mga ginawa namin ni Theon.

Binuksan ko ang gripo at hinayaang tumulo ang tubig. Nanghihina kong itinukod ang kamay sa lababo habang hinahayaan ang luhang tumulo sa aking mga mata. P*tang ina! Paano na ito?

Kinalampag na ni Kris ang pintuan ng banyo. "Ano bang nangyayari sayo? Lumabas ka nga diyan!"

Hindi ako umimik. Bagkus ay kinagat ko ang labi at pinunasan ang pisngi ko. Naglakad ako papalapit sa pintuan.

Nakayuko kong binuksan ang pintuan at nilagpasan si Kris na sambakol ang mukha. Hindi niya pwedeng malaman ito, tiyak pagagalitan niya lang ako.

Siya ang pinaka-masasaktan dito, siya na walang ibang ginawa kundi pagsabihan ako tungkol dito at siya na sagad na sagad na sa problema.

"Humarap ka nga sakin."

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso lang ako sa salas at nagkunwaring may kinakalkal sa Bag na inilapag ko sa sofa kanina.

"P*tang ina! Bakit ka ba umiiyak?!"

Nagulat na lang ako ng higitin ni Kris ang kamay ko na may hawak ng pregnancy test. Pinilit kong agawin ang kamay ko sa kanya.

"Ano ba Kris? Bitawan mo nga ako!"

"ANO BA 'YANG TINATAGO MO AH? ANO 'YAN"

Nagpumiglas ako. "Kristofer!"

Nanigas na ako ng tuluyan sa kinatatayuan ko ng makitang nakuha niya na sa kamay ko ang pregnancy test.

"Akin na yan Kris!"

Natigilan naman siya kaagad ng makita iyon. Nakita ko ang pagkawala ng dugo sa mukha niya. Ang tagal niyang tumitig doon na parang inaarok niya kung ano yon.

"Kris" naiiyak na sambit ko sa pangalan niya.

Tumingin siya ng diretso sakin. "ANO 'TO?!?"

Napaatras ako sa sigaw niya.

"P*ta. Sumagot ka, Arya. Ano 'to?"

Nanghina na ako. Dahan dahan na lang akong napaatras hanggang sa mapaupo ako sa sofa. Hinang hina ako.

"B-BUNTIS AKO'"

Imbes na sumagot siya ay tila naaaburido lang na umupo siya sa gilid. Parang nanghihina na nakatitig sa pregnancy test na iyon. Parang nawalan siya ng lakas.

"S-Sorry."

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong bumuhos sa mga mata. Tinakpan ko ang mga mukha ko gamit ng palad ko.

Hindi siya umimik.

Humagulgol lang ako. "Pasensya na. Tanga kasi ang kaibigan mo eh. Tanga ako. Sobrang tanga."

Tiningnan ko siya. Sinabunutan niya lang ang sarili bago tumingin sakin. Puno ng awa at pag-aalala ang pinapakitang emosyon ng mga mata niya. Wala iyong bahid ng galit at paninisi.

Yumuko ako. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Kris."

Suminghot siya. Narinig kong naglakad siya papalapit sakin. Hindi na ako nagulat ng sampalin niya ako sa pisngi.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now