Chapter 24

11.8K 312 5
                                    

Aryanna POV

"Ang tagal niyo naman. Kanina pa kami dito."

Hindi ko pinansin ang reklamo ni Carson. Tumingin lang ako ng diretso sa babaeng katabi niya.

Kinilatis kong mabuti ang itsura niya sa isip ko. Maputi, bilugan ang mukha at makinis. Nakita ko na ang kabuuan niya kahit nakaupo lang siya.

Di maipagkakailang maganda siya. Pero diko siya gusto. Kutob ko ay isa lang siyang garapal at gahaman na gustong kumapit sa pera ng kapatid ko.

"Mag-oorder lang ako ng iinumin natin."

Tumango lang ako kay Theon. Nalate kami ng pagdating ni Theon dito. May dinaanan pa kasi siya sa opisina nila.

Wala sana akong planong isama si Theon pero nagpumilit talaga siya. Gusto niya daw makita ang kapatid ko.

Dito naman sa coffe shop sa loob ng mall napagpasyahan ni Carson na ipakilala ang kaibigan niya daw.

Sa dami ng lugar na pwedeng puntahan, coffee shop pa talaga.

"Glory. Siya si Ate Arya."

Tinaasan ko lang ng kilay si Glory. Papakitaan ko siya ng katarayan at kasakiman ko. Tingnan lang natin kung makalapit pa siya sa kapatid ko.

Ayoko kasing nagkakaroon ng kaibigang babae si Carson. Yung huling girlfriend niya kasi, magaling sa pamimirata, panunulisan at pandarambong.

P*ta! Tapos itong kapatid ko naman na hungkag sa pag ibig, binigay niya lahat ng luho ng babae. Tapos sa huli, iniwan siyang luhaan at duguan ang puso.

Kaya hangga't kaya ko, ilalayo ko siya sa tukso at bugso ng damdamin niya. Mahirap na. Baka maulit 'yon.

"Ate, siya si Glory. Glory Caliboso."

Diko tinapunan ng tingin si Carson. Nakatuon lang ang pansin ko sa babaeng nakayuko. P*tang ina! Napakahinhin naman niya.

Nagmumukha siyang madreng di makabasag pinggan. Pero di ako papalinlang sa itsura niya. Sabi nga nila, madaming ahas sa gubat. Isa na ang babaeng ito.

"Siya yung sinasabi kong nililigawan ko."

Doon na ako napatingin kay Carson na umiinom ng kape. P*nyeta! Biglang tumaas ang presyon ko sa binigkas niyang salita. NILILIGAWAN.

"ANO? ULITIN MO NGA ANG SINABI MO CARSON! Nabingi yata ako."

Ngumiti lang si Carson ng matamis. Pagkatapos ay inakbayan niya ang babae.

"Nililigawan ko si Glory."

Pakiramdam ko ay para na akong pla-pla na malapit ng sumabog. Hinilot ko ang sentido ko at muling pinasadahan ng tingin ang babae. Bakas sa mukha niya ang takot at hiya.

Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko ng masama si Carson. "Kailan pa kayo nagkakilala?"

Hinapit niya lang si Glory sa katawan niya at gumuhit sa mata niya ang kasiyahan. "1 month na"

Nagsalubong ang mga kilay ko "Ano??? 1 month pa lang?"

Ngumiti lang sakin si Carson. "Oo, Bakit?"

Tinakasan ng kulay ang mukha ko. Humawak ako sa dibdib dahil pakiramdam ko ay aatakehin ako sa puso.

"Tubig. Kailangan ko ng tubig. Parang may bumikig sa lalamunan ko"

"Heto po."

Nakita ko ang nag aalalang mukha ni Glory na kumalas na sa akbay ni Carson. May iniaabot siyang mineral bottle sakin.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now