Chapter 16

11.9K 314 3
                                    

Aryanna POV

"Ang pangit naman ng pinapanood mo. Lipat natin."

Tiningnan lang ako ng madilim ni Theon ng agawin ko ang remote control na hawak niya.

Diko siya pinansin kahit kanina pa abot langit ang kasungitan niya. Pinindot ko ang hawak na remote para mailipat ang channel.

Napangiti ako ng makita ang paborito kong palabas.
"Ito! Ito dapat ang panoorin natin"

"Yan?? Maganda ba yang Master of Illusion?" puno ng panunuyang tanong ni Theon.

Tumango lang ako at dumakot ng popcorn sa mangkok na nasa hita ko.

Hindi ko inalis ang tingin sa TV kahit alam kong nakatitig siya ng masama sakin. Ngumisi pa ako ng mag umpisa na ang illusionist sa pagbibida ng mga magic tricks niya.

"Maganda 'yan, ang gagaling nga nung mga magician"

"Ano namang matututunan mo diyan?"

Nakatutok lang ang atensyon ko sa pinapanood ko kahit gustong gusto ko ng bigwasan sa mukha si Theon. Kanina pa niya ko kinokontra. Kanina pa talaga siya! Napupuno na ako.

"Madami. Mga magic. Pangarap ko kasing maging magician eh."

Napa- Tsk si Theon at walang pasabing inagaw ang remote na hawak ko.

"Ililipat natin sa National Geographic Channel!"

Magkasalubong ang kilay kong tiningnan ang pagpindot niya sa remote.

"Madami kang malalaman pag 'yan ang pinanood mo." puno ng diing sabi niya ng mailapag ang remote control sa sahig.

Inirapan ko siya at pinulot ang remote control. Pumindot ulit ako para ibalik sa Sony Channel.
"Yan ang panonoorin natin!!!! "

Yung sobrang dilim na mukha ni Theon ay naging singbagsik na ng leon.

"AKIN NA YANG REMOTE! "

Inilayo ko ang remote sa kanya at inikotan siya ng mata.

"Manood ka na lang sa Youtube, mas madaming videos doon na mas madami kang malalaman o kaya umakyat ka nalang sa kwarto at magbasa ka na lang sa itaas."

"ISA!"

P*tang ina! Binibilangan na ako. Kanina pa 'to. Kanina pa parang nagbabadya ng bagyo ang pagmumukha niya. Pagkauwi pa nga lang niya nagdadabog na ang hinayupak.

Tinalasan ko siya ng tingin.
"Hindi mo ito makukuha! Umakyat ka na nga lang! Nayayamot ako sa presensiya mo!"

Imbes na pansinin ang sinabi ko'y sinubukan niyang kunin ang hawak kong remote kaya agad ko iyong itinaas.

"DALAWA!" pagpapatuloy niya sa bilang niya ng hindi naabot ang remote.

Yung mukha niya para ng rebentador na malapit ng sumabog sa inis.

"TATLO!" pagpapatuloy ko sa bilang niya at isinuksok sa gitna ng dibdib ko ang remote.

Nanlaki ang mga mata niya. Kitang kita ko doon ang gulat "Anong ginagawa mo!?!?"

Sinimangutan ko lang siya at binalik na ang tingin sa TV.
"Kunin mo sa dibdib ko kung kaya mo!!"

Tinitigan niya lang ako ng matagal bago huminga ng malalim. P*nyeta! Panalo na naman ako. YES!

Binigyan ko siya ng ngiting wagi pero inismiran niya lang ako.

"Ano bang pinuputok ng butchi mo at kanina pa masama ang timpla ng pagmumukha mo?"

Di niya ko sinagot. Nakakunot noo lang siya sa palabas sa TV.

" Bakit ba mainit yang ulo mo?"

Wala pa ring sagot ang gunggong. "Hoy Theon. Kinakausap kita!"

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now