Kabanata : 50

50K 686 54
                                    

Cath's POV


Nagmamadali kaming umuwi sa apartment para lang mapuntahan si Rosercl agad kung puwede lang paliparin ang sasakyan ni Zech ay malamang ginawa na n'ya.

Nang makababa ako ay patakbong pumasok ako sa loob nakita ko si Rosercl na naglalakad ng pabalik pabik.



''Nasaan si Zack?'' kinakabahan na tanong ko.



''Hindi ko alam Cath iniwan ko lang s'ya saglit sa kuwarto tapos kabalik ko wala na s'ya at naka bukas na ang pintuan.'' Naiiyak na sabi ni Rosercl.



''Subukan muna nating magpunta sa malapit na lugar baka nandoon lang si Zack.'' Suggestion ni Zech agad naman akong tumangon at nagmamadali kaming sumakay sa sasakyan.



Kung saan saan kami nag punta at ng mapadaan kami sa may playground ay may naka kuha ng atensyon ko ang batang may hawak ng parang flashlight at ginalaw galaw 'yon habang naglalaro.



''Zech itigil mo! Nakita ko na si Zack!'' natatarantang sabi ko agad naman n'yang tinigil 'yon at nagmamadali ako bumaba hindi ko na hinitay pa nap ag buksan ako ng pintuan ni Zech nagmamadaling pumunta ako kung saan ko parang nakita si Zack.




Pero ng maka punta ako doon ay wala na ito doon nagmamadaling naglakad lakad pa ako at may narinig akong pamilyar na boses.

''Mommy!'' nang lumingon ako ay nakita ko si Zack na naka ngiti saakin at nagmamadaling yumakap sa bewang ko.


Lumuhod naman ako para makapantay ko s'ya at agad na yinakap.

Hindi ko na napigilan ang maiyak dahil akala ko ay may masamang nangyari sakanya.

''Baby next time wag ka ng lalabas ng bahay ng hindi nagpapaalam ok?'' masuyong sabi ko tumango naman si Zack saakin.



Pabalik na kami kung saan ako dumaan kanina para pumunta sa sasakyan ni Zech nagtataka naman ako kung bakit hindi s'ya sumunod saakin mukhang sa mali lugar s'ya dumaan.

''Mommy!'' biglang tawag saakin ni Zack nagtataka naman akong tumingin sa kanya.


''Look po my t-shirt.'' Nagmamalaking sabi ni Zack. Hindi ko naman mabasa ang nakalagay dahil medyo madilim.



''Baby 'di ko Makita ang t-shirt mo---'' bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay biglang nagliwanag sa paligid sakto naman nakatingin ako sa t-shirt ni Zack.



''Mom will you marry my dad?'' nanglalaki ang mata ko sa nabasa ko.



''Baby sinong nagbigay sa'yo ng t-shirt na 'yan?'' gulat pa 'rin na tanong ko sa anak ko.



''Catherine.'' Narinig ko ang boses ni Zeck sa likod ko pero ng paglikod ko ay hindi ko 'man nakita si Zech kundi sila Rosercl na may hawak ng banner ng may iba't ibang letter.



Nang basahin ko ang naka sulat ay Will you marry me again for real? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko masyado akong nagulat sa nangyari.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at ng ibaba ko ang tingin ko ay nakaluhod pala sa harap ko si Zech.



Kaya pala hindi ko s'ya nakita nung narinig kong tinatawag n'ya ang pangalan ko. Dahil nakaluhod na


pala s'ya.

Magsasalita na sana si Zech ng bigla akong magsalita. ''Wait lang.'' naiinis na sabi ko.


''Naka plano ba itong lahat ah?'' tanong ko sa kanya nakita ko naman na ngumisi s'ya at mayamaya ay tumango.



Mabilis na hinampas ko si Zech sa ulo agad naman s'yang napasinghap dahil sa malakas ang pagkaka hampas ko. ''Aww Catherine!'' sabi ni Zech at mabilis na tumayo para maka-iwas sa susunod na hampas ko.




Nakaiwas naman ito at nagmamadali ko s'yang hinabol. ''Walahiya ka konti na lang atakihin ako sa puso sa sobrang kaba na baka nawala ang anak natin tapos pakulo mo pala 'to!'' naiiritang sigaw ko narinig ko naman tumawa ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Zech.




Nagmamadaling lumayo saakin si Zech at itinapat sa akin ang hawak n'yang singsing. ''Will you marry me Catherine?'' tanong n'ya saakin.




''Marry mo mukhang mo matapos akong mabaliw kakaisip sa anak natin 'yan ang itatanong mo?'' asar na sabi ko.



''Pakasalan mo ako.'' utos ni Zech mas lalo akong nainis sa sinabi n'ya.




''Gag* nag pro-propose ka saakin ayusin mo!'' hindi ko na napigilan na sabihin sa kanya ngumisi naman ito.



''Pag naging maayos na akong mag propose sa'yo oo ang sasagot mo?'' tanong n'ya saakin nagkibit-balikat lang ako lumuhod na ito.




''Catherine Aquino will you marry me again?'' seryosong tanong saakin ni Zech.

''For real?'' tanong ko naman sa kanya.




''Yeah for real.'' Seryosong sabi ni Zech nagkunwari naman akong nag isip.



''Damn it Catherine umo-oo ka na lang kinakabahan na ako.'' sabi ni Zech saakin.


''Oo na papakasalan kita kahit saan simbahan at kahit araw araw pa tayong mag pakasal oo parin ang sasagot ko.''


Nakita ko naman na mukhang nakahinga na ng maayos si Zech dahil sa sagot ko nagmamadali s'ya lumapit saakin at yinakap ako.




''I love you Catherine thanks sa second chance na ibinigay mo saakin sa Imperial Hotel hindi mo alam kung gaano ako kasaya non at ngayon 'din.'' Malambing na sabi ni Zech.


''Pasensya kana kung naging Malaki akong g*go'' patuloy pa niya.



Agad ko naman s'yang niyakap. ''Wala 'yon mahal kita e. I love you Zech!'' naka ngiting sabi ko.

Mahigpit naman akong niayakap ni Zech. ''I love you more!''



''OH GROUP HUG DAW!'' Narinig naming sabi ni Nick at nagmamadaling sumama sa yakap namin ni Zech sumunod naman ang iba.



''Puwede ba misis ko na lang ang yakapin ko?'' natatawang sabi ni Lance at nakita ko na niyakap n'ya si Zelina.



''Ako irog ko yakapin mo ako.'' sabi ni Rosercl kay Jason tinawanan lang ni Jason si Rosercl.

''Oh sige dahil pakipot ka ako na ang yayakap sa'yo.'' Sabi ni Rosercl at yinakap si Jason.




--END---


Thank you sa lahat ng nag basa / vote / comment sa TBS ko kay Zech. :* and now tignan nyo po sa comment box 'yung link ng story nila Terrence at Dylan. I-popost ko po ang 1 chapter ng bawat isa. Thank you po!

🎉 Tapos mo nang basahin ang TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED) WATTYS 2016 🎉
TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon