Kabanata : 44

24.7K 374 14
                                    

Cath's POV


''Ma'am?'' hindi ko binuksan ang mata ko dahil inaantok ako naramdaman ko naman na yinugyog ng nanaman ako. ''Ma'am andito po ang asawa n'yo.'' Mayamaya ay umalis na ito.



Asawa? Wala akong asawa nababaliw na ba---



Hindi ko natapos ang aking pag sasalita sa isip ko ng maamoy ko ang pamilyar na amoy ni Zech bigla nanaman pumasok sa isip ko ang sinabi ng yaya namin kanina. Mabilis akong napamulat at lumingon sa paligid wala naman si Zech kaya nakahinga ako ng maluwag.




''Looking for me Sweetheart?'' nanglalaki naman ang mata ko ng Makita si Zech sa pintuan ng banyo ng kuwarto ko. Tinuro ko s'ya pero wala lumalabas na salita sa bibig ko. Nakita ko naman na mas lalo ngumisi saakin si Zech.




Napatingin naman ako sa sarili ko at doon ko lang napansin kung bakit ganoon s'ya makatingin. Naka maluwang na shirt lang ako at kahit maluwang ang suot ko alam mo na wala akong suot sa ilalim non. Masamang tingin ang binigay ko kay Zech pero ngumiti lang s'ya saakin.




At mas lalo akong nainis lalo na sa pag ngiti n'ya saakin. Naasar na bumangon ako at binato sa kanya ang unan. ''Lumabas ka nga panira ka ng umaga!'' asar na sabi ko. Nakita ko naman na lumunok si Zech at pinaka titigan ako.





''Oh ano nanaman?!'' asar na sabi ko. Tumingin ito sa ilalim at tumingin din ako. ''Nice. Your legs are nice.'' Sabi ni Zech at pinagmasdan pa ako ng tingin. Naramdaman ko na parang tumaas ang balahibo ko. Hindi naman n'ya ako hinahawakan pero ang lakas ng epekto n'ya saakin.





Agad ko naman pinalitan ang usapan namin dahil nakaramdam ako ng ilang. ''Alam mo Zech andito ka lang para sa anak ko—''




''Anak natin.'' Pagtataman ni Zech saakin pina-ikot ko lang ang mata ko. ''Whatever.'' Asar na sabi ko. ''Nasa labas si Zack hintayin mo nakipag laro lang s'ya saglit kayla Stephan nakisama 'din si Rosercl pero babalik 'din sila mamaya.'' Sabi ko at inayos na ang kama ko.




'Akala ko ay lumabas na si Zech sa kuwarto pero ng pagharap ko ay nasa likod ko para s'ya kaya naman nagulat ako. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko ang seryosong mukha n'ya kaya naman nag salubong ang kilay ko.





TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon