Kabanata : 42

24.5K 373 19
                                    

Btw I dedicate this chapter to @chimei12 

----------------

Cath's POV


''Mommy aalis na ba tayo?'' tanong saakin ng anak kong si Zack halatang excited s'ya na umalis. Pupunta kami ngayon sa tagaytay kung saan gaganapin ang pangalawang araw ng birthday ni Zelina kasama ang mga batang makukulit.



Sa Imperial Resort kami magkikita kita. Agad ko naman binuhat ang anak kong si Zack at hinalikan s'ya sa pisngi. ''Yes Baby kasama natin si Tita Rose mo and si Yaya.'' Pumalakpak naman si Zack habang malawak ang ngiti.




Nakatira kami ngayon sa apartment kung saan kami nakatira noon ni Rosercl umuwi muna ito sa bahay nila dahil ayaw daw n'yang mag isa lang sa apartment may lahing makakatakutin kasi ang bruhang 'yon. O baka ma-rape daw s'ya dahil mag isa lang s'ya dito.




Napa tingin naman ako sa labas ng bintana ng makarinig ako ng malakas na busina ng kotse. Agad na binuhat ko si Zack na kasalukuyan nag lalaro ng basketball. ''Tara na Baby.'' Sabi ko at agad din tinawag ang Yaya n'ya.





''Zackieee!'' sigaw ni Rosercl ng makababa sa sasakyan n'ya at agad na binuhat ang anak ko. Pumasok na kami sa loob ng kotse ng Makita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. ''Sino s'ya?'' bulong ko kay Rosercl ngumisi naman s'ya saakin.





''Boyfriend ko.'' Natatawang sabi ni Rosercl at agad na lumabas ng sasakyan para umupo sa front seat. ''Nga pala Beiron ito si Catherine and Catherine si Beiron Boyfriend ko.'' Umiling iling lang ang lalaki at ngumisi naman si Rosercl.





Ilang oras 'din ang dumaan bago kami makadating sa Resort ng mga Imperial tulog pa nga ang anak ko ng dumating kami kaya dahan dahan ko s'yang binuhat palabas ng kotse. ''Catherine! Opps. Tulog pala si Zack.'' Sabi ni Zelina ng Makita kami ni Rosercl.





Nagulat 'din si Zelina dahil may kasama si Rosercl pero ngumisi lang si Rosercl kay Zelina. Binigay naman nila ang kuwarto namin. Dahan dahan kong ibinaba sa kama si Zack habang pinagmamasdan s'ya ay biglang pumasok sa utak ko ang imahe ni Zech.





Naramdaman kong nag init ang magkabilang pisngi ko ng maalala ko 'yung nangyari kagabi na hinalikan niya ako sa parking lot. At hindi lang basta halik 'yon dahil French kiss 'yon. Umiling iling na lang ako para makalimutan ang nangyari saamin.




Pinagbilin ko muna si Zack sa yaya n'ya at nagpasyang lumabas para magpahangin bukas pa naman ng hapon gaganapin 'yung party sa resort kaya naman makakapag pahinga pa naman kami. At wala pa ang mag asawang sila Teejay.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon