Kabanata : 29

24K 417 11
                                    

Cath's POV



Tahimik na bumaba na ako sa taxi habang si Rosercl naman ay inaabot na ang bayad sa taxi driver pagkaalis ng taxi ay nagmamadaling lumapit saakin si Rose at hinila na ako maraming van ang nakaparada sa labas ng isang white house at tuloy tuloy lang na pumasok si Rose.




Sumunod ako kay Rose pero napaka bilis talaga ni Rose maglakad hindi talaga puwedeng dalhin 'yon kapag madaming gwapo sa paligid agad itong nawawala. Nakaramdam nanaman ako ng pagkahilo kaya umupo muna ako sa gilid at nagpahinga.





Sakto naman nakita ko ang Boss namin ni Rose na si Sir Maximillo. ''What are you doing here?'' tanong ni Sir Maximillo habang inaayos ang long sleeve polo niya haggang sa siko. ''Iniwan po ako ni Rosercl.'' Pagsusumbong ko alam ko naman na aso't pusa ang Big Boss ko at ang bruhang kaibigan ko siguradong sesermunan siya ni Sir.






''Nasa taas s'ya. Sa second floor na guest room.'' Tipid na sagot lang ni Sir mukhang wala siya sa mood base na 'din sap ag iiba ng mukha niya. Agad na akong pumasok sa loob ng malaking bahay ng umalis ang Boss ko.






Habang naglalakad may biglang isang matipunong dibdib akong natamaan. Nalanghap ko pa ang pabango nito dahilan para mapalapit ako lalo. Hindi ko baa lam pero napaka sarap sa ilong ng amoy nito.






''What are you doing Catherine?'' para naman nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil narinig ko ang malalim na boses ng isang pamilyar na tao. Lalayo na sana ako pero biglang hinawakan nito ang bewang ko.





Nang tignan ko ang nagsalita nakita ko ang mukha ni Zech. Hinaplos ni Zech ang pisngi ko at para naman akong napaso sa ginawa niya kaya nagmamadaling kumawala ako. Hindi pa 'rin inaalis ni Zech ang tingin niya saakin dahilan para mailang ako.





''Bakit ganya ka makatingin saakin?'' naiiritang tanong ko. ''Bakit iniwan mo akong mag isa?'' tanong ni Zech at binali wala ang tinatanong ko sa kanya. ''Anong pinagsasabi mo? Hindi ko alam ang tinutukoy mo.'' Pag kukunwari ko at nagmamadaling umakyat sa may hagdan papunta sa second floor kung nasaan ang guest room.





TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon