Kabanata : 14

25.8K 400 4
                                    

Cath's POV


''Sige na alis ka na Zech alam ko naman kung saan ang room ko ano kaba?'' sabi ko kay Zech dahil pinipilit niya na ihatid pa ako sa classroom ko alam ko naman kung saan at marunong akong maglakad.



''Okay. Fine pero hayaan mo akong sunduin ka mamaya hihintayin kita sa labas ng classroom mo okay?'' sabi ni Zech magsasalita pa sana ako pero agad na niya akong hinalikan sa noo at agad na siyang umalis.



Papasok na sana ako ng biglang may humila ng malakas saakin at nakita ko ang galit nag alit na mukha ni Lory. ''Ang haliparot mo!'' sigaw ni Lory saakin agad naman nagsalubong ang kilay ko. ''Anong pinagsasabi mo ah?'' tanong ko kay Lory.




''Mang-aagaw! Nilandian mo si Zech para maging sa'yo siya! Napaka walang hiya mo!'' mahinang natawa ako sa sinabi ni Lory saakin. ''Alam mo Lory nakakaawa ka hindi ko kasalanan kung mahal ako ni Zech tanggapin mo na lang ang totoo.'' Sabi ko at agad na binawi ang braso ko na hinahawakan ni Lory.




''Talaga lang ah Catherine. Ikaw dapat ang tumanggap ng katotohanan. Opps. Hindi lang pala katotohanan ang dapat mong malaman dahil hindi mo naman talaga kilala ang isang katulad ni Zech!'' makahulugan na sabi ni Lory agad naman akong lumingon sa kanya.




''Anong katotohanan naman ang dapat kong malaman kay Zech?'' tanong ko kay Lory. ''Ah alam ko na.'' nakangising sabi ko at agad na lumapit kay Zech. ''Matagal ko ng alam ang katotohanan na pilit lang ang pagkikipag relasyon sa'yo ni Zech dahil maawain siyang tao.'' Nakita ko naman kung paano mamula sa galit si Lory dahil sa sinabi ko.




Habang nakikinig ako sa Sir namin sa history ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga babae sa paligid ko ''Omg! Si Zech asa labas!'' narinig kong sabi ng isa kong classmate agad naman akong napalingon sa may pintuan namin at nakita ko si Zech na nakatayo habang nakasandal ang likod sa pader mukhang naramdaman niya na may tumitingin sa kanya at bigla siyang tumingin sa lugar ko.




Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya naman nagmamadaling iniwas ko ang mata ko kay Zech nag away pa ang dalawang classmate kong babae dahil ngumiti daw sa kanila si Zech as if naman sa kanila.




Inayos ko na ang gamit ko at handa na akong lumabas lalapitan ko na sana si Zech ng bigla akong hilain ng kung sino at ng malaman ko kung sino ang humila saakin ay walang iba kundi ang nakangiting mukha lang naman ni Dalton ang nakita ko.




Ng tumingin ako sa likod ni Dalton ay nakita ko ang papalapit na si Zech na nakasalubong ang noo agad naman akong nag sign sa kanya na ok lang ako at ipinapalayo siya dahil mukhang mag uusap kami ni Dalton at mukhang naintindihan naman ni Zech 'yon dahil tumigil siya sa paglapit saamin.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon