Kabanata : 23

28.1K 447 0
                                    

Cath's POV


Naiinis na humarap ako sa salamin at tinaggal ulit ang pag kakalagay ng Pear earrings sa tenga ako. Araw ng kasal namin ngayon ni Zech tama kayo. After naming pumunta ng Davao pagkatapos ng dalawang araw nag pasya na si Zech na mag pakasal kami. Pumayag naman ako. Mas maaga mas madali namin maasikaso ang dapat namin asikasuhin.




Pero ngayon naman nagkakaroon ako ng problema sa pag aayos sa sarili ko sakto naman na biglang pumasok sa loob ng kuwarto ko si Rosercl.''Grabe ilang oras kana nag aayos dyan ah? Ayaw mo pang lumabas?'' tanong ni Rose na halata sa boses ang pagkabagot.




''Naman kasi eh!'' Inis na sabi ko at padabog na tumingin sa salamin. ''Pangit ba ako ah Rose?'' tanong ko kay Rose nakita ko naman na tumaas ang isang kilay niya habang tinitignan ako mula ulo haggang paa. ''Akala ko ba hindi ka mag aayos ah? 'Saka bakit mukha kang excited?'' pang aasar ni Rose saakin.




Agad naman akong umirap. ''Sympre mag aayos ako. Kahit naman kasalanan with benefits lang 'to. Kasal ko pa 'rin 'yon noh! Dapat maayos at maganda ako. 'Saka hindi po ako Exited noh! Kung sana iba ang papakasalan ko baka masaya pa ako.'' Binigyan lang ako ng ngiting aso ni Rose at agad ng lumabas sa pintuan narinig ko pa na may sinabi siya bago lumabas.





''The more na itatago mo ang feelings mo. Mas lalo ka lang mahuhulog sa taong 'yon. Malay mo sa katatago mo ng nararamdaman mo kapag nahulog ka hindi ka niya masasalo kasi niya wala siyang kamalay malay.'' Agad naman akong tumayo at sinundan si Rose palabas. ''Grabe ah? Wala na akong feelings para kay Zech Past is past ano kaba?'' asar na sabi ko at pumasok na sa taxi sumunod naman si Rose.





''Past is past. Bakit haggang ngayon wala ka pa 'rin jowa?!'' tinignan ko naman ng masama si Rose. ''See. Hindi ka maka sagot. Kasi hinihintay mo na maging kayo ulit ni Zech diba? Kung gusto mo siyang makuha wag mo idadaan sa brezzy moments. Dapat sa beast mode na agad agad!'' agad ko naman binatukan si Rose. ''Tumigil ka nga 'saka tatandaan mo katapos ng kasal na 'to uuwi na tayo agad.'' Paalala ko kay Rose pilit naman na tumango siya.




Pagkadating namin sa City hall kung nasaan ang judge na magkakasal saamin ni Rose nakita ko na naghihintay na si Zech doon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. At biglang nagkasalubong ang mata namin na parang may sariling mundo at nag uusap.




''Hi Aking Irog! Tayo na lang kaya ang ikasal gusto mo?'' bigla lang akong nag bitaw ng tingin kay Zech ng marinig ko ang malanding boses ni Rose habang kausap ang kanyang ''Irog'' inirapan ko si Zech at palihim na tumingin ng masama kay Rose para bumitaw sa paghawak niya sa kamay ni Jason.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon