Kabanata : 3

43.6K 732 10
                                    

Catherine's POV


Nagising ako dahil sa pagkatok sa pintuan nung binuksan ko ang mata ko nagtaka pa ako kung anong ginagawa ko sa lugar na 'to. At nung bigla kong maalala dito na pala ako titira ngayon. Binuksan ko na ang pintuan at nakita ko si Cha na nasa labas.



''Bakit Cha?'' tanong ko sa kanya ngumiti naman siya saakin..



''Sorry na istorbo ko baa ng pagtulog mo? Kumain kana muna meron ng pagkain sa baba.'' Sabi ni Cha.



''Susunod na ako. At hindi ka na kakaistorbo sa tulog ko salamat ulit Cha.'' Ngumiti naman siya at agad ng umalis inayos ko muna ang sarili ko at mayamaya bumaba na ako at kumain. Nagulat pa nga ako ng maraming pagkain ang nakahain na para bang may handahan.



Pero sabi nila normal lang daw ang gaanong karaming pagkain. Mayayaman nga naman. Nang matapos na akong kumain tutulong sana ako sa gawaing bahay kaso ayaw naman nila dahil bisita daw nila ako kaya pumunta na lang muna ako sa may hardin.



Bigla ko tuloy naalala ang buhay namin ng aking itay sa probinsya napaka simple pero masayang masaya naman. Nakakamiss tuloy ang probinsya lalo na ang aking itay na mas lalong naging dahilan para gusto kong umiyak pero hindi puwede dahil alam kong malulungkot ang itay kapag nakita niya akong umiiyak.



Napagpasya ko na pumasok na ulit sa loob at nagulat ako na may isang lalaking naka sandal sa may pintuan. Napaka gwapo nito. May matangos na ilong at medyo mapupulang labi pero ang mas nakaka-akit ay ang mata nito na berde na parang bughaw ang kulay. Nagulat na lang ako ng bigla itong tumingin saakin na masama.



''Stupid Maid!'' sabi nito at tinignan pa ako mula ulo haggang paa na para bang napaka engot ko.



''Sinong stupid?!'' hindi ko napigilan sabihin kahit naman hindi ako nakapag kolehiyo alam ko naman ang sinasabi niya dahil nakapag tapos ako ng highschool.



''You.'' Sabi nito sa mapang insultong tono. Nakakainis ang gwapo nga kaso naman ang panget ng ugali!



''And bakit naka tayo ka lang dyan?! Ikuha mo ako ng makakain!'' sigaw nito. Kahit na labag sa kalooban ko na sundin dahil hindi naman ako isang katulong dito ginawa ko na lang dahil sa sobrang inis ko narinig ko pa siyang may binulong nung dumaan ako sa gilid niya.



Nakasimangot na lumapit ako kay Cha. ''Cha pahingin nga daw ng pag kain 'yung lalaki sa labas.'' Sabi ko nakita ko naman na kumunot ang noo niya at tumingin kay Beth.



''Ate Beth! Mukhang andito na si Senyorito Zech.'' Sabi ni Cha nakita ko naman na nag mamadaling gumawa ng makakain si Ate Beth para doon sa masungit na lalaking nasa labas.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon