Kabanata : 48

23.3K 319 1
                                    

Cath's POV


Nag tataka ako kay Zech dahil iba ang kinikilos n'ya nitong nakaraan araw pa. Pag pumupunta s'ya sa apartment ay si Zack lang ang pinapansin niya para hindi man lang ako nakikita katulad na lang ngayon ay magkakasama kaming nanunuod pero si Zack lang ang binibigyan niya ng atensyon.



Nang mapasok ko na si Zack sa kuwarto dahil tulog na s'ya ay nakita ko naman na paalis na si Zech mabilis na nilapitan ko s'ya.



''Uuwi kana?'' tanong ko sa kanya tumango lang ito at palabas na ng pintuan ng pigilan ko s'ya.



Nakita ko naman na nagulat s'ya sa ginawa ko at nagtatakang tinignan ako. ''Iniiwasan mo ba ako ah?'' direktang tanong ko sa kanya.




Nakita ko naman na nagulat s'ya mukhang hindi n'ya inaasahan ang tinanong ko. Ibig sabihin ay iniiwasan nga n'ya ako. Mas lalo akong napasimangot dahil sa na isip ko.



''Hindi kita iniiwasan Catherine.'' Sabi ni Zech saakin. Tinaasan ko naman s'ya ng kilay.




''Kung hindi mo ako iniiwasan bakit hindi mo ako pinapasin huh?'' tanong ko sa kanya nagkibit balikat naman s'ya bilang sagot.




''Ano 'yon trip mo lang na hindi ako pansinin?'' asar na sabi ko nakita ko naman na mas lalong nag salubong ang kilay n'ya.




''Of course not Catherine.'' Sabi ni Zech saakin naasar naman na inirapan ko s'ya aalis na sana ako sa tabi n'ya pero mabilis n'ya akong pinigilan.



''Are you free tomorrow?'' tanong saakin ni Zech agad naman akong lumingon sa kanya.



''Oo bakit?'' tanong ko sa kanya.


''Good.'' Sabi n'ya at hinalikan ako sa pisngi.


Wait what sa pisngi lang?!



''Good night.'' Sabi ni Zech at agad ng lumabas ng pintuan sasarado ko na sana ang pintuan ng biglang Makita ko nanaman ang mukha ni Zech.




''By the way Catherine iniwan ko sa gilid ng table sa kuwarto ang damit na isusuot mo.'' Sabi ni Zech at mabilis na hinalikan ako sa labi at umalis na.



Pagkasarado ko ng pintuan ay mabilis na nagpunta ako sa kuwarto at nakita ko sa may gilid ang isang paper bag mabilis na nilapitan ko 'yon at binukas.



Nanglaki pa ang mata ko ng Makita ang damit na 'yon. Wait kung hindi ako nagkakamali ito 'yung damit..



Naalala ko pa ito ang damit na tinitignan ko ng makasama ko si Zech na bumili ng damit dahil inutos ni Tito Leonardo naalala ko pa na hindi pa kami talaga magkakilala ni Zech at napaka antipatiko ng ugali niya at ang sarap ihulog sa bunganga ng bulkan.




Habang tinitignan ko ang white and black na dress ay biglang bumabalik ang lahat ng mga nangyari saamin dati ni Zech magsimula sa unang pagkikita namin ng utusan n'ya ako na parang isa akong katulong.




Nalala ko 'din ang mga sagutan namin at ang mga away namin at higit sa lahat ang araw na sinabi n'yang mahal n'ya ako ng gabing naglalasing s'ya. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko.




Mga dami pala talaga ang nangyari noon at ngayon Malaki ang pasasalamat ko dahil nakilala ko si Zech s'ya ang nagturo saakin na magmahal at s'ya 'din ang dahilan bakit naging matatag ako ngayon at masaya ako dahil ibinigay n'ya saakin si Zack.




Hindi ko alam kung papano n'ya nakuha ang dress na hawak ko ngayon. Pagtingin ko ay nakita kong may nakahulog na letter sa sahig agad ko naman pinulot 'yon.




''Hey Sweetheart. Remember the dress? I still remember ng itanong ko kung may napili kana nakita kitang tinitignan 'yan dress na 'yan kaya naman ng umalis ka ng makipag kita tayo kayla Lory mabilis na bumalik ako sa boutique na pinutahan natin at binili 'yon. I hope na kasya mo pa ang dress na 'yan. I love you. See you tomorrow.''

-Langit.




Hindi ko na pigilan ang matawa ng Makita ang ''Langit'' na ginamit ni Zech naalala ko tuloy ang classmate ko na si Langit na 'akala ko ay s'ya ang admire ko.



Ang dami talagang nangyare. Bitter and sweet memories.



Hindi ko alam pero ng tignan ko ang dress at humarap sa salamin ay bigla akong kinabahan. ''Bakit biglang nagyaya si Zech na lumabas kami?'' tanong ko sa sarili.



Excited at kaba ang nararamdaman ko bago ako matulog at ipinikit ang mata ko. Basta ang alam ko lang ay si Zech at ang gwapo n'yang mukha ang nakita ko bago hilain ng antok.




-Rosercl

DON'T FORGET TO VOTE! COMMENT! AND FOLLOW ME! THANK YOU AND GODBLESS!


TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon