Kabanata : 10

34.7K 508 6
                                    

Cath's POV


''Hi Cath!'' agad naman akong nag angat ng mukha ng marinig kong may bumati saakin. Sabado ngayon at hindi pa pamilyar ang boses ng tumawag saakin. Sisigaw na sana ako kaso si Dalton lang pala kaya kakainin ko na lang pabalik ang sigaw ko.




''Hello Dalton. Ang aga mo atang dinadalaw si Zech ah?'' naka-ngiting bati ko napa kunot noo pa ako ng makitang may hawak na bulaklak si Dalton. ''Naku Jusko po mukhang maling landas pa itong si Dalton pusong babae din ata.''



Nakita ko na parang nagtatakang tinignan ako ni Dalton pero mayamaya ay ngumiti ulit. ''Para nga pala sa'yo ang mga magagandang bulaklak na ito Cath. At hindi si Zech ang dinadalaw ko dito kundi ikaw.'' Madamdamin na sabi ni Dalton na medyo kinilabutan pa ako.



''Naku! Hindi mo ako kaylangan bigyan ng bulaklak hindi pa naman ako patay at wala din naman akong sakit e. Salamat na lang.'' sabi ko at agad na binalik ang bulaklak kay Dalton sakton naman na pagbaba ni Zech. ''Ayy joke lang Dalton akin na ang bulaklak salamat ah?'' sabi ko at agad na kinuha ulit ang bulaklak.



''Ang aga mo naman atang dumadalaw.'' Sabi ni Zech habang nakatingin saakin at sa bulaklak na hawak ko. ''Syempre mas maaga mas maganda.'' Sabi ni Dalton at ngumiti saakin ngumiti na lang din ako at malanding inilagay ang buhok sa likod ng aking tenga.

Pinaghanda ko muna ng makakain si Dalton pasasalamat na din sa pagbibigay niya saakin ng bulaklak nag usap kami ng ilang oras nagtataka nga ako at hindi man lang kinausap ni Zech si Dalton na para wala lang sakanya to think na magkaibigan sila napaka sungit talaga nito natitiis na hindi makausap ang kaibigan niya. Siya ay may pusong bato!



At ng pagsapit ng tanghalian ay sabay na kaming kumain ni Zech tahimik lang kami walang kibuan 'yung feeling na kahit mabilaukan ako sa harap niya wala siyang pakialam kaya naman pagkatapos kumain ay tumabay muna ako sa sala at pinagmasdan ang binigay saakin ni Dalton.



''Agad na malalanta ang bulaklak na 'yan kapag masyado mong pinakatitigan.'' Masungit na sabi ni Zech at umupo sa harap ko. ''First time mo sigurong bigyan ng bulaklak.'' Sunod pa na sabi ni Zech dahil hindi ko pa siya tinatapunan ng tingin.



''Alam mo. Ikaw siguro hindi pa nakatanggap ng bulaklak ang bitter mo e.'' pambabara ko at agad na umirap sa kanya tinignan naman niya ako ng masama. ''Hayaan mo kapag patay kana araw araw kitang pagdadalhan ng lantang bulaklak para naman ma-touch ka kahit paano.'' Sarcastic na sabi ko at ngumiti ng plastic sa kanya.



''No thanks. Allergic ako sa bulaklak.'' Pambabara saakin pabalik ni Zech. ''Well Don't worry Allergic din ang bulaklak sa'yo.'' Pasimpleng sumandal ako sa inuupuan ko dahil biglang nag zoom in ang mukha ni Zech na galit na galit.



''Pang patay lang naman ang bulaklak mo. Katulad ng mukha mo.'' Agad ko namang hinapas ang bulaklak na hawak ko sa mukha ni Zech. ''Ang kapal din ng face mo ano? Akala mo sino kang gwapo asa ka naman na gwapo ka! Mas gwapo pa si Marlou ng hash5 kaysa sa'yo!'' sabay irap ko kay Zech at agad na akong tumayo at mukhang magkukulong nanaman ako sa kuwarto.




Pag sapit ng hapunan nagtataka ako ng Makita si Zech sa may kusina at may ginagawa na hindi ko mawari kung ano aalis na sana ako ng bigla siyang lumingon sa puwesto ko at agad na akong tinawag. ''Catherine.'' Tawag niya sa maganda kong pangalan.



''Oh anong problema mo?!'' masungit na tanong ko sa kanya ng Makita kong magsalubong na ang kilay niya ay agad naman akong nagpeace sign para iparating na it's a joke. Pero mukhang hindi tumatanggap ng ganoon si Zech kaya no choice agad akong lumapit sa kanya at umupo sa may isang upuan at mukhang nag bake ito.




''Ikaw ang gumawa nito?!'' hindi makapaniwalang tanong ko tumango naman siya agad ko naman siyang pinaka tignan at mukhang nagtataka ito sa pagtingin ko sa kanya. ''Anyway ginawa ko 'yan because I want to say sorry.'' Sabi ni Zech at hindi ko pa rin tinatanggal ang mapanuring tingin ko sakanya at kagaya niya ng alam ko hindi na nanaman nakatiis ang masungit na bibig ni Zech.




''Ano titignan mo lang ako at hindi kakainin yan?!'' masungit na tanong niya saakin. ''Alam mo—'' sabi ko kay Zech pero inunahan nanaman niya ako magsalita. ''Hindi ko alam.'' Pambabara ni Zech agad ko naman siyang tinignan ng masama.




''Try mo muna kasing makinig noh bago ka umepal?!'' sabi ko kay Zech at tumahimik naman ito. ''Una sa lahat marunong ka palang magsorry noh?'' sabi ko sa kanya. ''Para ka kasing Alien eh. Sobrang lamig mo tapos ang sungit mo pusong bato pero maraming salamat sa cupcake nag abala kapa.'' Sabi ko at agad na kakainin ko na sana ang cup cake ng Makita ko na nakatingin saakin si Zech.




''Umamin ka.'' Sabi ko at itinaas ang cup cake na hawak ko. ''Ito ba ay nilagyan mo ng lason ah?!'' pasigaw na tanong ko sa kanya. ''You know what kahit na matagal na kitang gustong palayasin sa bahay na 'to hindi naman ako mamatay tao.'' Sagot ni Zech tumango naman ako.




''Good. Good..then nilagyan mo naman ito ng gayuma ganoon ba? Oh come on kahit sampung beses mo pa ang gayumahin never ako maiinlove sa---'' hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang inagaw ni Zech ang cup cake na kakainin ko.




''Ikaw na nga ang pinanggawa ang dami mo pang sinasabi kung ayaw mo ito edi wag.'' Sabi ni Zech agad naman akong tumayo at inagaw sa kanya ang mga cup cakes. ''Ikaw talaga hindi kamabiro Joke joke lang naman 'yon masyado kang seryoso sa buhay.'' Sabi ko at agad na sinubo ng Malaki ang cup cake.




''Masarap! Awayin mo ako ulit para naman makatikim pa ulit ako ng ganitong kasarap na cup cake!'' sabi ko habang ngumunguya ako nakita ko naman na ngumiwi si Zech saakin. Ang isang talagang lalaking ito sarap ihulog sa balon ni Sadako!




''Next time ulit ang Zech!'' sabi ko ng palayo na si Zech saakin. ''Wala ng next time.'' Masungit na sagot niya. ''Edi wala kasi! Hmmp! Tapon kita ng buhay dyan e! Makikita mo!'' inis na sabi ko. ''Akala ko may pusong mamon kana! Akala ko lang pala 'yon!'' sigaw ko pero mukhang wala nanaman pakialam saakin si Zech kahit ata sumigaw ako ng malakas. Ang sungit sungit talaga niya! Grr!




-Rosercl

DON'T FORGET TO VOTE! COMMENT! FOLLOW ME! THANK YOU AND GODBLESS YOU!


TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon