Kabanata : 11

34K 459 19
                                    

Zech's POV


''Tulungan mo na kasi akong ligawan si Cath please naman Zech!'' naiiritang tinignan ko si Dalton habang nakaluhod siya ngayon sa harapan ko. ''Dalton ano ba ang nakita mo sa babaeng 'yon at gusto mo siyang ligawan ah?'' nakita ko naman na ngumisi si Dalton.




''Bakit ba ayaw mo akong tulungan na ligawan si Cath ah Zech?'' tanong niya saakin. ''Gusto mo siguro si Cath ano?'' panunukso pa ni Dalton. ''Hell no. Ano baa ng gusto mo ah Dalton?'' inis na tanong ko sakanya.




''Gusto kong tulungan mo akong ligawan si Cath 'yun lang naman Zech e. Wala naman kahirap hirap ang gusto ko pero ayaw mo naman pumayag.'' May makahulugan na sabi ni Dalton sa may huling salita niya.




''Marami namang ibang babae dyan Dalton na puwede mong ligawan.'' Sabi ko sakanya. ''Pero gusto ko si Cath.'' Mabilis na sagot ni Dalton. ''Listen Dalton hindi mo gusto si Catherine ok? Akala mo lang gusto mo siya kasi kakaiba siyang babae at never mo pang nakita ang ganoong klase ng babae at alam ko na papaikutin mo lang siya sa palad mo. Si Catherine masyado siyang inosente para sa'yo Dalton.'' Mahabang paliwanag ko.




''I like Lory.'' Mayamaya ay sabi ni Dalton. ''Pero gusto ka ni Lory kaya nag give way ako. Para sa'yo dahil kaibigan kita at mahal ko si Lory kaya please alam mo naman ang dahilan kaya naging ganito ako diba Zech? Sana naman payagan mo akong ligawan si Cath.'' Nagmamakaawang sabi ni Dalton saakin.




''I told you na hindi ako papayag na gawin mong isa sa mga baba emo si Catherine! Ano ba ang hindi mo maintindihan Dalton?'' hindi ko na napigilan ang mapagtaasan ng boses si Dalton nakita ko din kung paano mag iba ang expression ng mukha niya.




''Hindi mo ako mapipigilan Zech. Alam mo naman kukunin ko ang gusto ko at makukuha ko yon hindi ko na kaylangan mag hingin ng gabay mo. Choice naman ni Cath 'yon. Humihingi lang ako ng tulong dahil kaibigan kita pero okay lang hindi ko naman kailangan ang tulong ng isang katulad mo.'' Sabi ni Dalton agad ko naman hinila ang suot niyang damit.



''You want to court her? Go ahead. Pero hindi kita hahayaan na saktan mo si Catherine. Humanda ka saakin kapag sinaktan mo si Dalton.'' Sabi ko kay Dalton ng may pagbabanta ang tono. ''Bakit ba masyado kang affected tungkol kay Cath?'' nakangising tanong saakin ni Dalton.



''Ilang beses ko bang dapat na sabihin sayo? Saamin nakatira si Catherine kami ang magbabantay sa kanya at kapag nalaman kong sasaktan mo ang isang kagaya niya sisiguraduhin ko na pagsisihan mo na hindi nakinig sa mga sinasabi ko sa'yo.'' Agad namang tinanggal ni Dalton ang pagkakahawak ko sa damit niya.




'' 'yun baa ng dahilan ah Zech?'' nakangising tanong niya saakin. ''Kilala kita Zech alam ko na may lihim ka din na pagtingin kay Cath. Well Sorry Bro wala akong pakialam kung makaibigan man tayo. Kung gusto mong mapasayo si Cath. Gumawa ka ng paraan.'' Mayabang na sabi ni Dalton.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon