Kabanata : 4

41.1K 689 9
                                    

Cath's POV


Busy akong nagbabasa ng may biglang kumatok sa pintuan ko. Agad naman akong bumangon sa kama at binuksan 'yon. Nakita ko ang isang taong gusto kong isumpa sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng pagkainit ng ulo sa mga anak ni Adan.



''Anong kailangan mo ah?'' masungit na tanong ko sakanya.



''Ikaw ang dapat na tanungin ko niya ano ang kailangan mo at dito ka tumitira ah?'' halata sa boses nito ang pagkairita pero mas naiirita naman ako kaysa sa kanya.



''Ano ba sa'yo kung ano ang kailangan ko kaya dito ako tumira?'' nagtagisan naman ang baga nito dahilan para mapalunok ako wala sa oras ang paraan din ng pagtingin nito ay parang lalamunin na ako ng buong buo.



''Wag mo akong bigyan ng ganyang tingin dahil hindi a-ako natatakot s-sa'yo.'' Pagtatakip ko sa sarili ko. Sino baa ng niloko ko? Sa katunayan gusto ko ng bumalik sa kuwarto ko at mag ayos ng gamit para makalayas na.



''Hindi naman kita tinatakot para sabihin saakin na nanakot ako. Pero sabi nila nakakatakot daw akong manakot at gusto mo bang Makita kung paano ako manakot?'' agad naman akong napaatras dahil bigla na itong lumapit saakin.



''No thanks. Hindi naman ako interesado sa'yo at----'' napalunok ako at mahina na napamura sino ba naman kasi ang hindi magmumura kung sobrang lapit na nga namin ay pinakalapit pa niya ng husto ang kanyang mukha sa mukha ko.



Lumayo lang saakin si Zech ng tumunog ang phone niya at halata ang iritasyon sa mukha nito binigyan muna ako nito ng isang nakakatakot na tingin bago nagmamadaling umalis sa harapan ako. Habang ako naman ay napatunga-nga na lang dahil sa nangyari.



Pumunta ako sa may library room ni Tito Leonardo dahil gusto ko sanang magpaalam sa kanya na pupunta sa puntod ni Itay. Pagkapasok ko sa loob ay agad kong nakita ang napakaraming libro. At mahilig akong magbasa ng libro kahit na tumigil na ako sa pag aaral ay nagbabasa pa 'rin ako mapa- Filipino man o English ang nakasulat.



''Mahilig ka palang magbasa hija.'' Nagulat ako at agad na binalik sa tamang lugar ang kinuha kong libro ng marinig ko ang boses ni Tito Leonardo.



''Bakit mo ibinalik Hija? Ayoslang naman saakin na magbasa ka.'' Ang sabi ng matanda. ''Bakit ka nga pala narito?'' tanong ni Tito Leonardo.



''Balak ko 'ho sanang puntahan ang puntod ni Itay para dalawin namimiss ko na po kasi siya.'' Nakita ko naman ang mapag unawa na ngiti ni Tito Leonardo at marahang pagtango niya. Lalabas na sana ako ng biglang magsalita si Tito Leonardo.



''Hija kunin mo na itong librong binabasa mo kani-kanina lang.'' sabay abot saakin ni Tito Leonardo nung una ay ayoko pang tanggapin pero dahil na rin naman mahilig akong magbasa ay kinuha ko na.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon