Kabanata : 25

26.1K 419 6
                                    

Cath's POV


Nagising ako at agad na tumingin ako sa kabilang bahagi ng kama. Nakahinga ako ng maluwag ng Makita ko na wala akong katabi. Hays. Salamat panaginip lang siguro 'yon, Nakakaloka pati ba naman sa panaginip patay na patay ako kay Zech? Natatawa na lang ako sa kabaliwan ko at agad ng tumayo at ginawa ang routine ko tuwing nagigising ako.





Nang matapos ko na ang mga ginagawa ko ay nag pasiya na akong bumaba. Tumingin ako sa sala pero wala naman si Nay Susan doon. Siguro nag punta sa ibang bahagi ng farm dahil andun ang anak nitong si Bernard. Agad na akong nag punta sa kusina at muntik na akong mapatalon sa gulat ng Makita kong naka upo si Zech habang umiinom ng kape at ang kabilang kamay ay may hawak na news paper.




Ibig sabihin hindi panaginip 'yon? Nakatabi ko siyang matulog? Hiyaw ko sa isip ko. Pasimple ko pang yinakap ang sarili ko. Nakakakilabot! Nang mapatingin ako sa puwesto ni Zech ay naka tingin na siya sa kinatatayuan ko. Kaya naman nag kunwari akong normal lang at nag tuloy papunta sa lamesa at tinignan kung may almusal na.




''Catherine.'' Biglang tawag ni Zech hindi ko alam pero parang nag si tayuan ang balahibo ko sa batok. Tumigil ka Catherine! Ano anong pumapasok sa isip mo tatandaan mo natulog lang kayong mag katabi wag kang echos! Hiyaw ng isip ko. Pero paano kung pinag samatalaaan ako ni Zech ng hindi ko alam? Katulad na lang ng nag nakaw siya ng halik habang tulog ako.






Napahawak naman ako sa labi ko at inalala kung nga ba hinalikan ako ni Zech. Wait. Bakit ko nga ba iniisip kung hinalikan niya ako? Umiling iling na lang ako at agad na kumuha ng sandwich na nakita ko. ''Catherine.'' Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang pagtawag ni Zech malapit sa likod ng tenga ko. Palihim na napalunok ako.





''A-andyan ka pala Zech!'' nauutal na sabi ko hindi naman ako makalingon sa kanya dahil siguradong malapit lang ang mukha niya sa mukha ko. ''Kinakausap kita kanina pa. Pero mukhang wala ka sa sarili mo. May problema kaba?'' bulong nanaman ni Zech malapit sa tenga ko. Ano ba 'to! Ang aga-aga naman para matukso ako!!!





Pasimpleng lumayo ako kay Zech at humarap sa kanya. ''Ako? Problema? Wala naman problema. Bakit nga pala andito ka?'' tanong ko kay Zech. ''Because of you.'' Nanglaki naman agad ang mata ko dahil sa sinabi niya. ''Kidding, Agad ka naman kinilig.'' Pag bawi ni Zech at agad na ngumisi saakin.





TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon