Kabanata : 18

24.9K 463 11
                                    

Cath's POV


''Cath kanina kapa namumutla ayos ka lang ba?'' nag-aalalang tanong saakin ni Rosercl tumango naman ako. ''Nga pala Cath magkakilala ba kayo ni Fafa Zech? Bakit alam niya ang pangalan mo?'' nagtatakang tanong ulit saakin ni Rosercl.



''Ah? Hindi ko alam.'' Wala pa rin sa sariling sagot ko. Nasa isang café kami nila Rose at Zech actually nasa counter siya ngayon at nag order. ''Ang weird naman baka may past kayo?'' uusisa ni Rosercl magsasalita pa sana ako ng biglang lumapit na si Zech dala ang mga Inorder na inomin at pagkain.




''Akala ko hindi ka papayag sa article na sinabi ko sa'yo Mr. Gomez.'' Masayang sabi ni Rosercl habang nakatingin kay Zech ako naman nakatuon lang ang atensyon ko sa iniinom ko. ''Actually Ms?'' tanong ni Zech kay Rosercl. ''Perkins.'' Mabilis na sagot ni Rose.




''Yeah right Perkins. Actually I'm really not interested about the article. It's like a shit---'' pinutol ko ang sasabihin ni Zech at agad akong tumingin sa kanya. ''Like a shit Mr. Gomez?'' sarkastikong sabi ko at binuntutan pa ng mahinang pagtawa. ''Shit really happen Mr. Gomez we're here to comfirm if papayag ka na ikaw ang maging cover ng article na The Bachelor sa month ng December. Yes or No lang ang isagot mo tapos aalis na kami.'' Nakita ko naman na nagulat si Rosercl dahil sa way ng pagsasalita ko sa harap ni Zech.




Hayys. Tanga katalaga Catherine! Hindi nga pala alam ni Rosercl na may past kayo ng lalaking guwapo este mukhang ewan na nasa harapan mo ngayon at naka ngisi!




Kung puwede lang burahin ang mapang-asar na ngisi ni Zech ay matagal ko ng ginawa. ''Like what I said awhile ago. I want to say Yes but I changed My mind it's a big No for now Ms. Perkins.'' At agad ng tumayo si Zech binigyan pa ako ng isang mapang asar na ngiti bago nagpatuloy sa paglalakad paalis sa café.




''Cath bakit mo sinabi 'yon?'' hindi makapaniwalang sabi ni Rosercl. ''Ayun na! Oo na siya! Papayag na bakit inuna mo pa ang kasungitan mo? 'Yan tuloy naging bato na!'' naiinis na sabi ni Rosercl saakin at agad na nag walk out.




Napakagat labi naman ako tama si Rosercl akala ko hindi kasi papayag si Zech lalo na at nandoon ako to think na hindi pa ako handa na Makita siya. Pero mukhang wala lang kay Zech ang pagkakakita saakin.




Talagang bang kinalumitan na ni Zech ang mga namagitan saamin noon? Aba't hindi pa rin ako makapaniwala ang kapal ng mukha niya. Pero may naramdaman akong kirot sa dibdib ko. Ang hirap pala 'yung inaalala mo siya tapos ang mga namagitan noon sa inyong dalawa ay hindi niya na naalala mukhang kung hindi pa siguro narinig ni Zech ang panglan ko kay Rosercl kanina ay hindi ako maaalala ng aroganteng 'yon kaasar!






***********

Zech's POV


''Let's talk about the bees.. and the trees but we're talking about business. So stop imagining somethings.'



''I'm listening Dylan.'' Nakita ko naman na sumadal si Dylan sa inuupuan niya at pinakatitigan ako. ''Really? then what happened about the Ugly duckling I told you awhile ago?'' agad naman nagsalubong ang kilay ko.



''Ugly Duckling?'' nagtatakang tanong ko. ''Yeah. The Ugly Duckling.'' Sabi ni Dylan at sinabayan pa ng pagtango. ''I kill the Ugly Duckling?'' walang kasiguraduhan na sagot ko. Umiling naman si Dylan. ''Error. Wrong. Anyways just call me kung nasa tamang pag iisip kana Zech you know marami akong ginagawa.'' Sabi ni Dylan at agad ng tumayo.




Hindi ko ini-expect na makikita ko si Catherine after all this years na lumipas. Biglang nakita ko ang mukhang ni Catherine sa may build board sa malaking building kalayuan sa puwesto ko habang nakatanaw sa malawak na city.




''Zech.'' Napalingon ako sa biglang nagsalita sa harap ko at nakita ko ang mukha ni Jason na tumitingin sa tinitignan ko. ''Anong problema at sobrang titig mo sa abs ni Derek Ramsay? Napansin mo din ba na hindi pantay ang abs niya dyan sa century tuna?'' seryosong tanong ni Jason napa iling na lang ako.




''Papano ka nakapasok?'' seryosong tanong ko. ''Sa pinto.'' Pamimilosopo ni Jason at mayamaya may binigay saakin. ''Thunder Magazine Company galing sa CEO ng Company.'' Kinuha ko naman ang sobre at binuksan.




''Pumayag kana Zech wala kanang magagawa hinahabol kana ng Company na 'yan para maging cover ng Magazine sa Month ng December.'' Sabi ni Jason. ''Papayag ako. Sabi dito kapag pumayag ako ay may Interview agad right?'' tumango naman si Jason.




''Yeah. Sabi ni Max ikaw ang pumili kung saan at anong oras ang interview.'' Sabi ni Jason agad naman akong tumango. ''That's Great. Then sabihin mo kay Mr. Marquez na papayag ako.''




''Sure. Anong oras ba at saan?'' tanong naman ni Jason saakin. Palihim na ngumisi naman ako.



''7 pm at My House.'' Sabi ko nakita ko naman binigyan ako ng natatakang tingin ni Jason. ''Sa bahay mo? Bakit?'' kibit-balikat lang ang sagot ko tumango naman si Jason at agad ng pumunta sa may pintuan ng binukas na ni Jason ang pintuan ay tinawag ko ulit siya.




''Jason.'' Agad naman siyang humarap saakin. ''Ang gusto kong mag iinterview saakin ay walang iba kundi si Ms. Catherine Aquino.'' Pagkasabi ko non ay agad na akong umikot at tumingin ulit sa glass window sa office ko. Kasabay ng paglabas ng isang ngiti sa labi ko.




-Rosercl 

DON'T FORGET TO VOTE! COMMEMT! AND FOLLOW ME! THANK YOU AND GODBLESS!!






TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon