Kabanata : 2

49.4K 844 12
                                    

Catherine's POV 


Napatingin ako samay nakalagay na address sa papel kung saan ang tinutukoy ng aking ama na dapat kong puntahan napa isip tuloy ako. Ito nga ba ang tamang lugar na pupuntahan ko?..




Parang mali dahil ang laki ng gate mukhang mayaman ang nakatira dito. Napatingin ako sa paligid. Lahat ng bahay ay sobrang mamalaki. Nung kanina nga ayaw pa akong papasukin sa loob dahil baka magnakaw daw ako. At ano naman nanakawin ko 'dito hindi ko naman kilala ang mga tao dito at sobrang taas ng gate nila sigurado ako kahit na sinong magnanakaw ay mapapagod kaka'akyat sa taas.




Nag doorbell muna ako at tinignan ulit ang naka sulat na pangalan sa papel. Leonardo Gomez. May isang lumabas na maid at agad na tinignan ako mula ulo haggang paa. Tignan ko naman ang sarili ko maayos naman ang suot ko naka ripped jeans at V-neck shirt ako na tinernuhan ko ng white na sapatos.



''Sinong kailangan mo hija?'' tanong nung Babae.



''Andyan po ba si Leonardo Gomez?'' tanong ko sa babae nakita ko naman na tignan naman niya ako ng maayos tapos umalis siya ulit at ilang minuto ay bumalik.



''Wala siya hija. Wala nakatira na ganoon ang pangalan dito.'' Sabi nung babae kung kanina siya ang naka kunot ang noo ngayon ako naman ang napa kunot noo.



''Hindi ako puwedeng magkamali. Tama ang pinuntahan ko hindi naman ako puwedeng pag laruan ng ama ko. Sabi niya si Leonardo Gomez daw ang makakatulong saakin!!'' hindi ko na kaya alam ko naman na andito naman 'yung Leonardo at wala na akong pakialam kaylangan ko siyang Makita kung hindi ko siya makikita saan ako pupulitin ngayon?



Kaninang umaga lang ay pinalayas na ako sa tinitirahan namin ng ama kong sumakabilang buhay na at kahit sabihin na natin na ilang linggo na pumanaw ang ama ko nararamdaman ko pa 'rin ang pangungulila ko sa kanya.



''Beth sino ang kausap mo?'' tanong ng isang tinig galing sa likod ng babae lumingon naman 'yung babaeng maid at nakita ko ang isang matanda pero halata na malusog pa 'rin ito.



''Senyor Leonardo..'' sabi nung babae hindi na ako nag dalawang isip pa pumasok na ako sa gate at humarap sa lalaki. Nakita ko naman na nagulat 'yung babae sa ginawa ko.



''Hala! Halika 'rito.'' Sabay hila saakin nung maid nila.



''Kayo po ba si Leonardo Gomez?'' tanong ko sa matandang lalaking nasa harap ko hindi ko pinapansin ang paghila saakin nung babae. Nakita ko naman na sumeryoso ang mukha ng lalaking matanda.



''Ako nga. Anong kailangan mo hija?'' tanong niya saakin. ''At Beth bitawan mo ang dalaga.'' Binitawan naman ako agad nung babae. ''Halika at pumasok ka.'' Anyaya saakin ng matanda.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon