Kabanata : 33

23.7K 391 19
                                    

Cath's POV


Ilang buwan na akong buntis at ilang buwan na 'rin kaming nagmamahal ni Zech ng purong katotohanan lang. Napantingin ako sa lalaking natutulog sa tabi ko. Parang bata ito na sobrang himbing na tulog. Dahan dahan akong tumayo pero bago pa ako makatayo ay may pumigil sa saakin.




Napalingon ako sa natutulog na si Zech. ''Tulog kaba?'' parang tangang tanong ko kasabay ng tanong ko ay pagmulat ng dalawang mata n'ya. Ang mga mata n'ya na parang malaking galaxy sa loob at napaka ganda.




''Saan ka pupunta?'' tanong ni Zech saakin. Napa tuwid ako ng upo dahil sa bed voice n'ya at parang tanga na tinuro ang banyo. Nagulat pa ako ng tumayo s'ya at bigla biglang lumapit saakin. ''Hawakan mo ako.'' mayamaya ay sabi ni Zech.




''Huh? Saan banda?'' nakita ko naman na ngumisi s'ya at mayamaya pumasok sa isip ko kung ano ang sinabi ko kaya agad ko ng tinakip ang bibig ko. Mahinang napatili ako dahil bigla na lang akong binuhat ni Zech napayakap naman ako sa leeg n'ya.




''Hindi kapa lalabas?'' tanong ko kay Zech dahil nasa loob kami ngayon ng banyo. ''Nope. Ayos na ako dito.'' Sabi niya saakin agad ko naman s'yang tinulak palabas ng pintuan. ''Wag. Lumabas ka.'' Agad naman humarap saakin si Zech at yinakap ako sa bewang ko medyo malayo s'ya ng kaunti dahil baka maipit ang naka umbok na tyan ko.




''Bakit kaylangan ko pang lumabas? Nakita ko na 'din naman ang lahat sa'yo buntis kana 'din naman. See Malaki na ang tyan mo?'' sabi ni Zech at agad na hinawakan ang tyan ko. Bigla naman akong napatingin sa salamin sa may gilid at nakita ko na tumataba na ako.





Nanglaki naman ang mga mata ko na tumingin kay Zech. ''Nilait mo ba ako?!'' nakita ko naman nagsalubong ang kilay niya. ''What?'' nagtatakang tanong niya saakin. ''Nilait mo ako sinabihan mo akong mataba! Umalis ka dito!'' galit na sabi ko at agad na inalis ang yakap saakin ni Zech.





''No. Hindi ko sinabi na mataba ka.'' Habol na Zech at pinigilan ang pag sara ko sa banyo ng Cr. ''Anong hindi mo ako sinabihan na alam mo na! Basta sinabi mo na 'yon! Bahala ka dyan.'' Inis na sabi ko. Agad na akong nag shower at mabilis na lumabas nakita ko si Zech nan aka tayo sa gilid ng pintuan nagmamadaling nilagpasan ko s'ya.





''Saan ka pupunta Catherine?'' tanong saakin ni Zech hindi ko naman s'ya pinansin at agad na lumabas nagmamadali naman n'ya akong sinundan. ''Magtra-trabaho ako!'' inis na sabi ko sa kanya magsasalita na sana s'ya ng bigla ko s'yang unahan. ''Wag mo akong pipigilan na magtrabaho!'' galit na sabi ko.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon