Kabanata : 21

26.7K 418 8
                                    

Cath's POV


Ilang oras na akong naka tingin sa computer ko pero wala pa 'rin akong nauumpisahan sa mga papel nan aka tambak sa gilid ko. At alam ko na bakit wala ako sa sarili ko dahil bigla nanaman pumasok sa isip ko si Zech.



Mabilis na umiling ako at huminga ng malalim. ''Zelina!'' tawag ko kay Zel na dumaan siya sa gilid ko tumingin naman siya saakin ng nagtataka. ''Oh bakit?'' magsasalita na sana ako ng biglang pumasok si Rose at lumapit kay Zelina.




''Zelina ikakasal na si Catherine!'' malakas na boses na sabi ni Rose agad naman tumingin ang mga ka-trabaho namin kay Rose at saakin kahit si Zelina ay mukhang nagulat. ''Kanino ka naman ikakasal?'' hindi maka paniwalang tanong ni Zelina.




''Naku! Katulad mo lang siya ikakasal din siya kay Z---'' agad na tinakpan ko ang bibig ni Rosercl at agad na hila siya palabas sumunod naman saamin si Zelina. Sakto naman na paglabas namin ay nakita namin ang Boss namin na mukhang masama ang aura.




''Pumasok muna tayo sa loob babawalan tayo ni Sir kapag nakita tayong nakatayo dito ng working time.'' Sabi ni Zelina at hinila ako pero hinila rin ako ni Rosercl at pinigilan kami. ''Edi mag paalam tayo. Dapat ikuwento mo kay Zel para hindi siya nahuhuli sa balita ano kaba!'' sabi ni Rose at hinila kami.




''Ano ba! Anong magpapaalam nakikita mo naman na ang sama ng aura niya!'' sabi ko at sumulyap sa Boss namin padaan na at lumapit naman sa kanya si Rosercl. ''Sir----'' hindi pa na tatapos ni Rosercl ang sasabihin niya ng biglang mag salita ang boss namin. ''No. Not today Ms.Perkins.'' masungit na sabi ng Boss namin tinignan naman siya ni Rosercl ng masama.





''Makinig ka muna 5 mins lang 'to!'' sigaw ni Rosercl at sinundan ang Boss namin na ngayon ay papasok na sa private room niya. At katulad nga ng sinabi ni Rosercl na 5 mins lang ay lumabas na ito ng mga ngiti ng tagumpay.




''Ayos na tara na.'' sabi ni Rose at hinila na kami ni Zelina paalis sa Thunder Building nag punta kami sa hindi kalayuan na café at doon ng kuwento about sa inalok saakin ni Zech pag katapos ko mag kuwento ay bigla naman sumimangot si Zelina.





''May past pala kayo ni Zech hindi mo sinabi saamin.'' Nagtatampo na sabi ni Zelina. ''Oo nga para ikaw lang din Zel diba may past kayo ng asawa mo tapos nga pakasal kayo ng kuno tapos nag kalabuan tapos naging kayo rin sa huli. Ganya na ganya ang mangyayari din kay Cath diba Zel?'' agad naman natawa si Zelina sa sinabi ni Rosercl.




'' Hindi naman siguro Rose. Iba iba ang mga Love story ng tao.'' Tumango naman ako kay Zelina. ''Tama ka dyan Zel ang samin ni Zech hindi kami mag kakatuluyan sa bandang huli.'' Pag kukumbinsi ko kay Rosercl nakita ko naman na binigyan niya ako ng ngising aso bago ininom ang kape niya.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon