Kabanata : 45

26K 423 26
                                    

Cath's POV


Tinignan ko muna si Zack na mahimbing na natutulog sa bisig ko hindi ko mapigilan ang mapangiti kaya naman dahan dahan ko s'yang binitawan at hinalikan muna sa noo at lumabas ako ng kuwarto. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok kaya naman nagpasya ako na manuod muna.



Umupo na ako sa sofa at wala magandang panuorin nagpasya na lang ako na panuorin ang kung ano 'man cartoon na ito nagtataka pa ako kung bakit may cartoon pa dahil sobrang gabi na. Habang nanunuod ay may biglang umupo sa tabi ko.




Agad ko naman itong nilingon at nakita ko si Zech malapit ang mukha saakin at naka kunot ang noo. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng takbo ng puso ko hindi ako handa dahil 'akala ko malayo s'ya saakin pero hindi pala.




''Bakit ang seryoso ng mukha mo dapat tumatawa ka dahil nakakatawa ang pinapanuod mo.'' Sabi saakin ni Zech at agad na inagaw ang remote control sa akin at nilipat sa ibang palabas. Tinapunan ko muna s'ya ng masamang tingin at humarap sa kanya.



''Ang bastos mo.'' Asar na sabi ko.



''Hindi ako naka-hubad papano ako naging bastos?'' pilosopong sabi ni Zech naasar naman na inagaw ko sakanya ang remote control at binalik sa pinapanuod ko.




''Puwede ba wag kang pilosopo.'' Inis na sabi ko. Agad naman inagaw ni Zech ang remote control at inilipat nanaman sa pinapanuod niya.




Naasar na binato ko sakanya ang nasa gilid ko na unan. Agad naman itong naka iwas at nag tongue out saakin. ''Marunong akong umiwas---'' binato ko nanaman ang unan na nasa gilid at hindi na s'ya nakaiwas napangisi naman ako.




''Marunong umiwas? Umiwas your face!'' natatawang sabi ko at agad na inagaw sakanya ang remote control pero mahigpit na hinawakan ni Zech 'yon.




Inagaw ko nanaman sakanya pero ayaw n'ya kaya pinakalakas ko ng maagaw ko ay nagulat ako ng biglang umibabaw saakin si Zech at inaabot ang remote control mabilis na tinaas ko ang kamay ko para hindi n'ya makuha.




''Ako ang naunang nanuod kaya puwede wag kang mang-aagaw—'' napatigil ako sa pagsasalita ng biglang mapansin ko na ang lapit namin ni Zech at 'yung posisyon namin kung may nakakakita saamin ngayon iisipin nila na gumagawa kami ng kadiliman.




Lalayo na sana ako ng biglang idiin lalo ni Zech ang sarili n'ya saakin. Hindi ko na pigilan ang mapasinghap. ''Anong ginagawa mo?'' kinakabahan na sabi ko sa kanya. Magtatanong pa sana ulit ako ng bigla n'ya akong halikan.

TBS: 4 (Zech Sky Gomez - COMPLETED)  WATTYS 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon